Pilot test ng OFW Pass, dapat sundan ng malawakang information dissemination sa mga OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang paglulunsad ng pilot-test ng OFW Pass, hiniling ni OFW party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino na magkasa ang pamahalaan ng information campaign tungkol dito.

Aniya, upang tunay na magamit at maisakatuparan ang layunin ng OFW pass ay kailangan maipaalam sa mga OFW na mayroon nang mas pinadaling paraan para sa pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC).

Apela din nito sa Department of Migrant Workers (DMW) na isama sa information dissemination ang proseso kung paano gamitin ang naturang digital application.

Paalala pa ni Magsino na maging handa dapat sa ‘birthing pains’ ng OFW Pass lalo at hindi lahat ng OFW ay sanay o may sapat na kaalaman sa makabagong teknolohiya.

“We should continue to anticipate ‘birthing pains’ with this new application. Not all OFWs are adept at navigating digital applications so we urge DMW to intensify its efforts on informing our OFWs how to access and use the app. Multiple feedback mechanisms must also be in place as we need to fine-tune the app based on user experience,” ani Magsino.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us