PNP, nagbabala sa mga nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa POGO na ni-raid sa Las Piñas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang mga nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa raid na isinagawa ng PNP sa isang POGO sa Las Piñas noong nakaraang linggo na maaring lumalabag sila sa batas.

Sa isang statement binigyang diin ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan ang kahalagahan ng responsableng pagapapakalat ng impormasyon.

Pinayuhan naman ni Brig. Gen. Maranan ang publiko na umasa lang sa beripikadong impormasyon mula sa mga mapapagkatiwalaang source.

Kasabay nito tahasang itinanggi ni Maranan ang mga ulat tungkol sa umano’y biktima ng stray bullet sa loob ng ni-raid na compound; at nilinaw na agad na binigyan ng medikal na atensyon ng PNP at Las Piñas Medical teams ang mga nasaktan sa pagtatangkang tumawid sa isang barbed wire fence.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na tuloy-tuloy ang pagproseso sa mga dayuhang empleado ng naturang POGO, para masala ang mga ito ng husto at masiguro na walang mga “wanted person” ang nagtatago sa bansa, at hindi sangkot sa kriminal na aktibidad ang mga tauhan ng POGO. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us