Nanatiling maluwag sa mga oras na ito ang daloy ng trapiko sa ilang kalsadang naikot namin sa Maynila ngayong umaga.
Kanina ay inikutan namin ang kahabaan ng UN Avenue at maluwag pa sa ngayon.
Habang sa España Boulevard naman ay wala pa namang naitatalang pagbaha hanggang sa mga oras na ito.
Sa ilang lugar sa Sampaloc kung saan kagabi ay bumaha, ay passable na o madadaanan na ngayon. | ulat ni AJ Ignacio