Budget increase ng Confidential at Intel Fund para sa 2024, pinakamababa kumpara sa nakalipas na limang taon

Ipinaliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na bagamat nasa P120 million ang itinaas ng confidential at intelligence fund (CIF) na nakapaloob sa 2024 proposed national budget, ito na ang pinakamababang bahagi ng budget kumpara sa nakalipas na limang taon. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na para sa 2024, ang CIF ay nasa… Continue reading Budget increase ng Confidential at Intel Fund para sa 2024, pinakamababa kumpara sa nakalipas na limang taon

Pangamba ng ilan na magiging “super monopoly” ang merger ng Landbank at DBP, pinawi ng DOF chief

Pinawi ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang pangamba ng ilan kaugnay ng nalalapit na merger ng Landbank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP). Sa isang panayam sa Kalihim, itinanggi nito na ang merger ay upang i-monopolize ang mga bangko sa bansa. Aniya, ito ay dadaan sa proseso at aaprubahan ng… Continue reading Pangamba ng ilan na magiging “super monopoly” ang merger ng Landbank at DBP, pinawi ng DOF chief

41 pasahero, nasagip ng PCG matapos lumubog ang sinasakyang motor banca sa San Antonio, Northern Samar

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 41 pasahero gayundin ang siyam na tripolante kabilang na ang kapitan nito, matapos lumubog ang kalahati ng sinasakyan nilang motor banca sa San Antonio, Northern Samar, kahapon. Batay sa ulat ng PCG, umalis ang MBCA Spirit mula sa Victoria, Northern Samar patungo sana sa… Continue reading 41 pasahero, nasagip ng PCG matapos lumubog ang sinasakyang motor banca sa San Antonio, Northern Samar

Meralco, tinutugunan na ang insidente ng pagbagsak ng ilang poste sa Binondo, Maynila

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Meralco matapos na maiulat bandang 12:41 PM ang pagbagsak ng ilang poste sa Binondo, Manila. Ayon sa inilibas na pahayag ng Meralco, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad at nagsasagawa ng imbestigasyon para matukoy ang naging sanhi ng insidente. Batay sa inisyal na impormasyon, walang naapektuhan sa serbisyo ng… Continue reading Meralco, tinutugunan na ang insidente ng pagbagsak ng ilang poste sa Binondo, Maynila

Pagkakapasa sa resolusyong kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration, ikinalugod ng DFA

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs ang pagkakapasa ng resolusyon na inihain ng Pilipinas na kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration sa pagresolba ng mga dispute sa mapayapang paraan. Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, maituturing na isang mahalagang ambag ng Pilipinas ang resolusyon sa pagpapatupad ng rule of law at… Continue reading Pagkakapasa sa resolusyong kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration, ikinalugod ng DFA

Klase sa mga pampublikong paaralan para sa SY 2023-2024, magsisimula na sa August 29

Opisyal nang inanunsyo ng Department of Education o DepEd ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan. Batay sa abiso, magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2023 – 2024 sa August 29, 2023. Habang ang mga pribadong paaralan naman ang maaaring magbukas ng klase simula sa unang Lunes ng Hunyo… Continue reading Klase sa mga pampublikong paaralan para sa SY 2023-2024, magsisimula na sa August 29

DSWD, namahagi na ng emergency cash transfer sa Ilocos Norte

Sinimulan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang emergency cash transfer (ECT) payout para sa mga nasalanta ng habagat at bagyong Egay sa Ilocos Norte. Tugon na rin ito ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matutukan ang “early recovery” sa mga lugar na hinagupit ng… Continue reading DSWD, namahagi na ng emergency cash transfer sa Ilocos Norte

DND Sec. Teodoro, nagpasalamat sa suporta ng Japan sa Arbitral Ruling

Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa suporta ng Japan sa arbitral ruling na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito sa West Philippine Sea. Ang pasasalamat ay ipinaabot ng kalihim sa pagbisita sa Camp Aguinaldo kahapon ng delegasyon ng mga Hapones na mambabatas ng Japan-Philippines Parliamentary Friendship… Continue reading DND Sec. Teodoro, nagpasalamat sa suporta ng Japan sa Arbitral Ruling

10 mga kawani ng pamahalaan, ginawaran bilang ‘Most Outstanding Filipinos’ ng Metrobank Foundation

Kinilala ng Metrobank Foundation ang 10 empleyado ng pamahalaan dahil sa katangi-tangi nilang serbisyo sa bansa. Ang mga empleyado na pinarangalan ay nagmula sa sektor ng edukasyon, military at police service kung saan tumanggap ang mga ito ng plaque at isang milyong piso. Kabilang sa mga binigyan ng pagkilala ay sina: 1. Rex Sario, Master… Continue reading 10 mga kawani ng pamahalaan, ginawaran bilang ‘Most Outstanding Filipinos’ ng Metrobank Foundation

Halaga ng pinsala sa imprastraktura na iniwan ng habagat at Bagyong Egay, sumampa na sa halos P7 bilyon — DPWH

Umakyat na sa P6,978,388.00 o halos pitong bilyong piso ang iniwang pinsala sa imprastraktura ng mga nagdaang habagat at bagyong Egay. Ito ang iniulat ng Department of Public Works and Highways o DPWH batay sa kanilang isinagawang monitoring and assessment ngayong araw. Ayon sa DPWH, kabilang sa mga nakapagtala ng pinsala dulot ng kalamidad ay… Continue reading Halaga ng pinsala sa imprastraktura na iniwan ng habagat at Bagyong Egay, sumampa na sa halos P7 bilyon — DPWH