Imbestigasyon ng IAS sa mga pulis na sangkot sa maanomalyang operasyon sa Cavite, sinimulan na

Isinailalim na sa pre-charge investigation ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang mga pulis na sangkot maanomalyang drug operation sa Cavite kung saan pinagnakawan umano ang bahay ng suspek. Ayon kay IAS Inspector General Alfegar Triambulo, 12 pulis ang isinama ng IAS sa Pre-Charge Investigation, kabilang ang dating Chief of Police ng Imus Cavite at… Continue reading Imbestigasyon ng IAS sa mga pulis na sangkot sa maanomalyang operasyon sa Cavite, sinimulan na

₱2 dagdag-pasahe sa jeep, hirit ng ilang transport group sa LTFRB

Humihiling ngayon ng karagdagang singil sa pamasahe ang ilang grupo ng transportasyon. Sabay-sabay na nagtungo sa tanggapan ng LTFRB ang mga lider ng grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, PISTON, Stop n Go transport coalition at FEJODAP para isumite ang kanilang liham kay LTFRB Chair. Atty. Teofilo Guadiz sa hirit na ₱2 dagdag… Continue reading ₱2 dagdag-pasahe sa jeep, hirit ng ilang transport group sa LTFRB

NEDA, tiwalang maaabot ng bansa ang target na 7% growth rate ngayong 2023

Tiwala ang National Economic and Development Authority o NEDA na maaabot ng Pilipinas ang 6% hanggang 7% na target growth rate ngayong taon. Ito ay sa kabila ng bahagyang pagbagal ng paglago ng Gross Domestic Product o GDP sa 4.3% sa ikalawang quarter mula sa 6.4% noong unang quarter ng 2023. Ayon kay NEDA Secretary… Continue reading NEDA, tiwalang maaabot ng bansa ang target na 7% growth rate ngayong 2023

Pagbibigay ng special treatment sa mga pulis na nakapatay sa napagkamalang suspek sa Navotas, itinanggi ng PNP

Tiniyak ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na walang special treatment na ibinibigay sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa isang menor de edad na napagkamalang suspek sa Navotas. Paliwanag ni Fajardo, mismong si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang nangako na pabibilisin ng PNP ang pagresolba ng administrative cases para… Continue reading Pagbibigay ng special treatment sa mga pulis na nakapatay sa napagkamalang suspek sa Navotas, itinanggi ng PNP

AFP Chief sa little olympians: Magsikap na maging pambansang atleta

Inengganyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga batang atleta na lumahok sa Uniformed Services Little Olympics 2023 na magsikap na maging pambansang atleta sa hinaharap. Ito ang mensahe ng AFP Chief na binasa ni AFP Deputy Chief of Staff (TDCSAFP) Lt. General Charlton Sean Gaerlan… Continue reading AFP Chief sa little olympians: Magsikap na maging pambansang atleta

DOH, ginunita ang ASEAN 56th Founding Anniversary at 2023 ASEAN Month

Bilang bahagi ng state member ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Department of Health (DOH) ay nagdiriwang ngayong Agosto ng 56th Founding Anniversary ng ASEAN Month. Kung saan kinilala ni Secretary Teodoro Herbosa ang marangal na gawain ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ng mga Pilipino sa rehiyon, at kasosyong Pilipino na sumuporta… Continue reading DOH, ginunita ang ASEAN 56th Founding Anniversary at 2023 ASEAN Month

DOJ, inatasan ang Bureau of Immigration na kasuhan ang mga huwes na nagpalaya sa ilang empleyado ng ni-raid na POGO sa Las Piñas City

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na sampahan ng kaso ang mga hukom na nag-utos na i-release o pakawalan ang ilang mga dayuhang empleyado ng POGO o Philippine offshore Gaming Operator firm sa Las Piñas City na ni-raid kamakailan ng mga pulis dahil sa alegasyong human trafficking. Sinabi ni Justice… Continue reading DOJ, inatasan ang Bureau of Immigration na kasuhan ang mga huwes na nagpalaya sa ilang empleyado ng ni-raid na POGO sa Las Piñas City

Ilang opisyal ng PNP, binalasa

Binalasa ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang ilang matataas na opisyal ng PNP. Inilipat ni Acorda si PNP Directorate for Plans Director Police Major General Jonnel Estomo sa Area Police Command – Western Mindanao. Ito ay bilang kapalit ni Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. na nagretiro na sa serbisyo.… Continue reading Ilang opisyal ng PNP, binalasa

Lanao del Sur solon, nangangamba na posibleng kulangin ang pondo para sa Marawi compensation

Humirit si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kung maaari pa bang ma-adjust ang budget na inilaan para sa Marawi victims’ compensation sa 2024. Sa naging budget briefing ng DBCC, sinabi ni Adiong kay DBM Sec. Amenah Pangandaman na mula nang buksan ang application para sa Marawi victims’ compensation ay nasa 2034 applicants na… Continue reading Lanao del Sur solon, nangangamba na posibleng kulangin ang pondo para sa Marawi compensation

Higit 700 indibidwal naka-benepisyo sa libreng bivalent COVID-19 vaxx ng Kamara

Kabuuang 754 na indibdwal ang nabakunahan ng libreng bivalent COVID-19 vaccine sa ginawang bakunahan sa House of Representatives. Ang one-day bivalent vaccination ay bahagi pa rin ng CongVax program ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang vaccination drive ay ginawa nitong Huwebes, August 10, at binuksan para sa mga House members, employees, staff, at ilang walk-in.… Continue reading Higit 700 indibidwal naka-benepisyo sa libreng bivalent COVID-19 vaxx ng Kamara