11k pulis, ide-deploy sa mga paaralan sa buong bansa para sa pagbubukas ng klase

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magdedeploy ang PNP ng 11,000 pulis sa mga paaralan sa buong bansa para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga.

Ayon kay Fajardo, bahagi ito ng kanilang ‘Oplan Balik Eskwela’, para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

Naglabas na aniya ang PNP ng operational guidelines para sa ‘Oplan Balik Eskwela’ na kinabibilangan ng pagtatatag ng police assistance desks malapit sa mga paaralan.

Kasama din dito ang pinaigting na police visibility sa pamamagitan ng foot at mobile patrols sa bisinidad ng mga paaralan.

Mayroon na rin aniyang atas sa mga field commander na makipag-coordinate sa mga administrator ng mga paaralan.

Magsasagawa din aniya ang PNP ng information campaign para sa mga magulang at estudyante kung paano makakaiwas sa krimen. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us