DOH, nangakong ipagpapatuloy ang pagbibigay ng specialty healthcare service sa lahat ng rehiyon

Pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang pagpapasinaya sa Amai Pakpak Medical Center Heart Institute sa Marawi City. Dumalo bilang panauhing pandangal si DOH Undersecretary Abdullah Dumama Jr. na kumatawan naman kay Health Sec. Teodoro Herbosa. Sinundan naman ito ng paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Amai Pakpak Medical Center at Philippine Heart… Continue reading DOH, nangakong ipagpapatuloy ang pagbibigay ng specialty healthcare service sa lahat ng rehiyon

Panukalang ipangalan kay dating Sen. Miriam Defensor-Santiago ang dalawang kalsada sa Quezon City, aprubado na sa Senado

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tutol at walang abstention, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang palitan ang pangalan ng Agham Road at BIR road sa Quezon City bilang Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue (House Bill 7413). Present sa Senado para saksihan ang pag-apruba sa third and final reading… Continue reading Panukalang ipangalan kay dating Sen. Miriam Defensor-Santiago ang dalawang kalsada sa Quezon City, aprubado na sa Senado

Foreign POGOS, pinaalalahanan na mag-apply muli ng lisensya bago mag- September 15

Muling ipinaalala ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco sa mga overseas POGO operators na sigurihing makapag-re-apply ng kanilang lisensya bago ang September 15. Matatandaan simula August 1 ay inilagay ng PAGCOR sa probationary status ang lahat ng POGO. Sa kasalukuyan nasa kulang 30 na lang aniya ang overseas gaming licensees nila. Sa panig naman ng service… Continue reading Foreign POGOS, pinaalalahanan na mag-apply muli ng lisensya bago mag- September 15

Project TRANSFORM, ilulunsad sa Abucay, Bataan ng DENR

Ilulunsad na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilient and Sustainable Communities through Multistakeholder Engagement) sa Abucay, Bataan. Layon nitong gawing simple ang mga climate change efforts ng pamahalaan. Ang Project TRANSFORM ay ang pagsasama-sama ng best practices ng LGUs, private sectors sa paghahatid ng inclusive, science-based,… Continue reading Project TRANSFORM, ilulunsad sa Abucay, Bataan ng DENR

73 dating rebelde sa Antique, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

📸 Spearhead Troopers

Higit P2-B na utang ng isang POGO sa PAGCOR, hindi na mababayaran

Aminado si PAGCOR Chairman Al Tengco na malabo nang masingil pa ang nasa P2.2 billion na utang ng isang overseas POGO company noon pang nakaraang administrasyon na bigla na lang umalis ng bansa noong panahon ng pandemya. Tugon ito ng opisyal sa interpelasyon ni Minority Leader Marcelino Libanan sa budget briefing ng House Committee on… Continue reading Higit P2-B na utang ng isang POGO sa PAGCOR, hindi na mababayaran

Empleyado ng Cauayan Airport, pinuri ng CAAP dahil sa ipinakitang katapatan

Kinilala at pinuri ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang katapatan at integridad na ipinakita ni G. Alexander Nuñez ng Maintenance Section ng Cauayan Airport sa Isabela. Ayon sa CAAP, nadiskubre ni G. Nuñez ang isang wallet na nasa ibabaw ng isang luggage cart sa parking area ng Paliparan, kahapon. Agad na itinurn-over… Continue reading Empleyado ng Cauayan Airport, pinuri ng CAAP dahil sa ipinakitang katapatan

Panukalang taas-singil sa pamasahe sa mga pampublikong dyip, pag-aaralan ng LTFRB

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, kinikilala ng ahensya ang karapatan ng mga operator at tsuper na nais maghain ng panukala hinggil sa dagdag-singil sa pamasahe. Pag-aaralan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng ilang transport group na taas-pasahe. Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, kinikilala ng ahensya… Continue reading Panukalang taas-singil sa pamasahe sa mga pampublikong dyip, pag-aaralan ng LTFRB

PRO 6, nagpaabot ng simpatiya sa mga pulis na biktima ng engkwentro sa Negros Occidental

Binisita ni Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Sidney Villaflor ang lamay ni P/Corporal Jaime Nuñez, ang pulis na napatay sa engkwentro kontra New People’s Army sa Calatrava, Negros Occidental. Sa pagbisita ng opisyal, ginawad ni Villaflor sa namatay na pulis ang Medalya ng Kasanayan (posthumous award) at tulong pinansyal na P100,000 para sa… Continue reading PRO 6, nagpaabot ng simpatiya sa mga pulis na biktima ng engkwentro sa Negros Occidental

Speaker Romualdez at Rep. Erwin Tulfo, nag-ikot sa isang pamilihan sa QC upang i-monitor ang presyo ng sibuyas at ilang pangunahing bilihin

Nag-ikot si House Speaker Martin Romualdez kasama si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa Nepa Q market sa Lungsod Quezon, upang alamin ang kasalukuyang presyo ng sibuyas at iba pang pangunahing bilihin. Sa kanilang pag-iikot, kinumusta ng dalawang mambabatas ang mga nagtitinda sa nasabing palengke, kung papaano ang pagbili nito sa mga trader at kung… Continue reading Speaker Romualdez at Rep. Erwin Tulfo, nag-ikot sa isang pamilihan sa QC upang i-monitor ang presyo ng sibuyas at ilang pangunahing bilihin