Mga kukuha ng CSC records, sisingilin na ng bayad

Inanunsiyo ng Civil Service Commission (CSC), na maniningil na ito ng bayad sa mga kukuha ng CSC records sa pamamagitan ng courier delivery. Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, kinuha ng ahensya ang serbisyo ng isang courier company para mas mabilis at masinop na mai-deliver ang mga requested CSC record at documents. Sinabi ni Nograles,… Continue reading Mga kukuha ng CSC records, sisingilin na ng bayad

DFA, pinangunahan ang pagdiriwang ng International Humanitarian Law Day

Pinangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdiriwang ng International Humanitarian Law Day na may temang “IHL: Gabay sa Makataong Pagsulong ng Kapayapaan,” sa Makati City. Ipinaabot ni DFA Undersecretary Jesus “Gary” Domingo ang mensahe ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, kung saan itinampok ang mga nagawa ng Pilipinas sa pagtataguyod ng mga prinsipyo… Continue reading DFA, pinangunahan ang pagdiriwang ng International Humanitarian Law Day

DSWD, sisiguruhing lahat ng kanilang social media channels ay updated at naaabot ang mga Pilipino alinsunod sa Media and Information Literacy program ng PCO

Gagamitin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng kanilang media channels, upang maipaabot sa mga Pilipino ang pinakahuling balita kaugnay sa mga programa ng kanilang tanggapan. Pahayag ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, kasunod ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Presidential Communications Office (PCO), DSWD, Department of Education… Continue reading DSWD, sisiguruhing lahat ng kanilang social media channels ay updated at naaabot ang mga Pilipino alinsunod sa Media and Information Literacy program ng PCO

House Committee on Ethics, mayroon na umanong rekomendasyon sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr.

Mayroon nang bagong rekomendasyon ang House Committee on Ethics and Privileges hinggil sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental 3rd district Representative Arnulfo Teves Jr. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, posibleng maiakyat at matalakay na ito sa plenaryo ng Kamara sa Miyerkules, August 16. Sa hiwalay naman na panayam kay Ethics Committee Chair… Continue reading House Committee on Ethics, mayroon na umanong rekomendasyon sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr.

Joint patrol sa pagitan ng Pilipinas at allied countries sa West Philippine Sea, pinaboran ni Senador Bato dela Rosa

Pabor si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa panukalang joint patrol sa West Philippine Sea ng Pilipinas at iba pa nating mga kaalyadong bansa. Ayon kay Dela Rosa, malaking tulong ang joint patrol para mapigilan ang pambu-bully at harassment ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea. Ipinunto ng senador, na kung magkakaroon ng… Continue reading Joint patrol sa pagitan ng Pilipinas at allied countries sa West Philippine Sea, pinaboran ni Senador Bato dela Rosa

Pinsala sa nangyaring sunog sa Colegio De Sta. Rita sa San Carlos City, Negros Occidental umabot sa P18 milyon

Umabot sa P18 milyong ang naitalang pinsala sa sunog na nangyari sa Colegio De Sta. Rita sa San Carlos City, Negros Occidental, pasado alas-7:00 kagabi. Ayon kay Fire Chief Inspector Rufino Tañedo, City Fire Marshall ng San Carlos City, umabot sa 3rd alarm ang sunog kung saan 11 fire trucks sa Negros Occidental pati sa… Continue reading Pinsala sa nangyaring sunog sa Colegio De Sta. Rita sa San Carlos City, Negros Occidental umabot sa P18 milyon

Ilang motorista sa Ortigas Ave. sa Mandaluyong, natiketan ng MMDA dahil sa obstruction

Puspusan ang ginagawang pagsuyod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsada na malapit sa mga paaralan. Ito ay bahagi ng paghahanda ng ahensya sa pagbabalik eskwela sa August 29. Kaugnay nito, ay ilang motorista na nakatigil sa harapan ng La Salle Green Hills sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City ang natiketan ng mga traffic… Continue reading Ilang motorista sa Ortigas Ave. sa Mandaluyong, natiketan ng MMDA dahil sa obstruction

DOH, hinikayat ang mga guro na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagbabalik-eskwela

Sa isinagawang command conference ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at paglulunsad ng Oplan Balik-Eskwela 2023 ng Department of Education ngayong araw, hinikayat ang mga guro na sundin pa rin ang ilang health protocols para sa ligtas pagbubukas ng klase sa August 29. Sa presentasyon ng Department of Health, binigyang diin nito ang BIDA sa… Continue reading DOH, hinikayat ang mga guro na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagbabalik-eskwela

Japan, magbibigay ng 300 MT ng bigas sa mga pamilyang apektado ng Bulkang Mayon

Nakatakdang magbigay ng 300 metriko tonelada ng bigas ang bansang Japan para sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkan Mayon sa Albay. Ang nasabing donasyon ay nakapaloob sa ilalim ng framework ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR). Ang turnover ceremony ay gagawin sa bayan ng Camalig sa Huwebes, August 17, na pangungunahan… Continue reading Japan, magbibigay ng 300 MT ng bigas sa mga pamilyang apektado ng Bulkang Mayon

Training workbook para sa mga ahensya ng pamahalaan at LGUs, inilunsad ng ARTA

Pormal nang inilunsad ng Anti-Red Tape Authority ang 2023 Regulatory Impact Assessment (RIA) Training Workbook na para sa mga ahensya ng pamahalaan at LGUs. Pinangunahan ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Secretary Ernesto V. Perez at Better Regulations Office (BRO) Regulatory Management and Training Division (RMTD), katuwang ang United Kingdom-Department for Business and Trade (UK-DBT), ang… Continue reading Training workbook para sa mga ahensya ng pamahalaan at LGUs, inilunsad ng ARTA