CSC, may paalala sa mga kukuha ng Career Service Exam sa Aug. 20

Naglabas ng ilang paalala ang Civil Service Commission sa mga examinee ng nakatakdang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa darating na Linggo, Aug. 20 Ayon sa CSC, ngayong nakapaskil na sa Online Notice of School Assignment o ONSA ang testing venue o school assignment ay mas mainam kung mabibisita na ito ng examinees… Continue reading CSC, may paalala sa mga kukuha ng Career Service Exam sa Aug. 20

German Ambassador to the Philippines, ipinangako kay Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatatag pa ng kooperasyon sa trade, investment, at iba pang linya

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang paniniwala sa posibilidad at potensyal ng pagpapaigting pa ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Germany. Sa presentasyon ng credentials ni German Ambassador to the Philippines H.E. Andreas Michael Pfaffernoschke, ipinaliwanag ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapayabong pa ng mga ganitong ugnayan, hindi lamang sa… Continue reading German Ambassador to the Philippines, ipinangako kay Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatatag pa ng kooperasyon sa trade, investment, at iba pang linya

Putatan Water Treatment Plant, pansamantalang isasara; ilang lugar sa NCR at Cavite, makararanas ng water interruption

Nag-abiso ngayon ang water concessionaire na Maynilad na pansamantalang maaantala ang suplay ng tubig sa ilang customer nito sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, maging sa Bacoor, Cavite City, Imus City, Noveleta at Rosario sa Cavite, mula Aug. 21 hanggang Aug. 22 Ito ay dahil sa naka-iskedyul na pag-shutdown nito ng mga planta sa Putatan, Muntinlupa.… Continue reading Putatan Water Treatment Plant, pansamantalang isasara; ilang lugar sa NCR at Cavite, makararanas ng water interruption

DSWD, nasa proseso na ng pag-streamline ng mga opisyal ng ahensya

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, na nagpapatuloy ang kanilang pag-streamline sa mga opisyal ng ahensya upang mapagbuti pa ang serbisyo nito. Ito ay matapos matanong ni Deputy Minority Leader France Castro kung ano ang tugon ng ahensya sa napakaraming undersecretary at assistant secretary nila. Sa kasalukuyan, may 10… Continue reading DSWD, nasa proseso na ng pag-streamline ng mga opisyal ng ahensya

DSWD, tiniyak na minamadali na ang pagbibigay ng payout sa mga benepisyaryo ng 4Ps

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na minamadali na nito ang payout para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Ito ay matapos magkaroon ng pagkaantala sa payout ng 4Ps ngayong taon dahil sa ginagawang re-assessment ng ahensya sa mga benepisyo ng programa. Ayon kay DSWD Secretary Rex… Continue reading DSWD, tiniyak na minamadali na ang pagbibigay ng payout sa mga benepisyaryo ng 4Ps

Posibleng imbestigasyon ng Senado sa Jemboy Case, welcome sa PNP

Bukas si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. kung sakaling magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado sa nangyaring pagpatay ng mga tauhan ng Navotas City Police kay Jemboy Baltazar na napagkamalang suspek sa krimen. Sa isang ambush interview matapos pormal na buksan ang Chief PNP Cup Shooting Competition sa Marikina ngayong umaga, sinabi… Continue reading Posibleng imbestigasyon ng Senado sa Jemboy Case, welcome sa PNP

Pagpapatatag sa relasyon ng Pilipinas sa Iran, asahan na — Palasyo

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang si Iran Ambassador to the Philippines H.E. Yousef Esmaeil Zadeh, sa presentasyon nito ng credentials sa Pangulo, ngayong araw (August 17). Sa maikling mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na umaasa itong magiging matagumpay ang tour of duty ng ambassador sa Pilipinas. Partikular ang… Continue reading Pagpapatatag sa relasyon ng Pilipinas sa Iran, asahan na — Palasyo

Gen. Acorda, nagpasalamat sa buong hanay ng PNP sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw bilang PNP chief

Nagpasalamat si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa buong hanay ng kapulisan sa kanilang suporta sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw sa panunungkulan. Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng Chief PNP Cup Shooting Competition sa Armscor Shooting Range sa Marikina City ngayong umaga, ibinida ni Gen. Acorda ang pagbaba ng krimen mula… Continue reading Gen. Acorda, nagpasalamat sa buong hanay ng PNP sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw bilang PNP chief

DSWD, nagpaalala sa mga tanggapan nito ukol sa budget parameters tuwing gagastos para sa workshop o seminar

Nag-isyu ng isang memorandum si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na tumutukoy sa budget parameters tuwing may mga inoorganisang aktibidad gaya ng workshop, seminar at training. Ang naturang memo ay tugon ng DSWD matapos ang Commission on Audit (COA) exit conference sa audit observation nito sa umano’y ilang iregular at… Continue reading DSWD, nagpaalala sa mga tanggapan nito ukol sa budget parameters tuwing gagastos para sa workshop o seminar

Mayor Binay, naglabas ng pahayag ukol sa pag-take over ni VP Sra sa 14 na paaralan ng Makati City

Nagbigay na ng pahayag si Makati City Mayor Abby Binay hinggil sa pag-take over ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa 14 na paaralan ng EMBO barangays na dapat sana ay nakatakdang i-turn over sa Taguig City. Sa kanyang statement, sinabi ni alkalde na welcome sa kanila ang naging desisyon ng ikalawang pangulo… Continue reading Mayor Binay, naglabas ng pahayag ukol sa pag-take over ni VP Sra sa 14 na paaralan ng Makati City