NCMA, walang naitalang na-stranded ng mga Muslim Filipino para sa 2023 Hajj

Masayang ibinahagi ng National Commission on Muslim Affairs na walang naiwan na mga Muslim Filipino para sa taunang Hajj na ginagawa sa Saudi Arabia. Ito ay dahil sa pagtutulungan ng NCMA, Bureau of Immigration, Department of Justice at Department of Transportation. Sa isang press conference, sinabi ni NCMA Commissioner Yusoph Mando, walang naitala na mga… Continue reading NCMA, walang naitalang na-stranded ng mga Muslim Filipino para sa 2023 Hajj

COA, magpapatawag ng pulong hinggil sa gagawing pagbabago sa paggamit ng confidential at intelligence funds

Sinabi ni Commission on Audit Chair Gamaliel Cordoba sa harap ng House Appropriation Committee na magpapatawag siya ng meeting kasama ang mga intera-gency committee upang i-update ang Joint Memorandum Circular ukol sa pagamit ng confidential at intelligence fund o CIF. Kabilang ang issue ng confidential at intelligence fund sa natalakay ng komite para 2024 budget… Continue reading COA, magpapatawag ng pulong hinggil sa gagawing pagbabago sa paggamit ng confidential at intelligence funds

PITX, nakahanda na sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong long weekend

Nakahanda na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong paparating na long weekend. Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, sila ay nakikipagtulungan sa Department of Transportation, Metropolitan Manila Development Authority, Inter-Agency Council for Traffic, at Parañaque City Traffic Management Office para sa pagtiyak… Continue reading PITX, nakahanda na sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong long weekend

Bagyong Goring, inaasahang lalakas pa at magiging tropical storm mamayang gabi o bukas – PAGASA   

Napanatili ng bagyong Goring ang lakas nito habang kumikilos pa-hilaga, hilagang-kanluran sa Philippine Sea, silangan ng Basco, Batanes. Batay sa 11AM weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 355 kilometers East Northeast ng Calayan, Cagayan; taglay nito ang lakas na hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna… Continue reading Bagyong Goring, inaasahang lalakas pa at magiging tropical storm mamayang gabi o bukas – PAGASA   

Mga inimbak na bigas sa warehouses, dapat nang ilabas – Speaker Romualdez

Nag-ikot si House Speaker Martin Romualdez at ilan pang mambabatas kasama si Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa ilang warehouse ng bigas sa Inter-City Industrial Complex sa Balagtas, Bulacan. Ito ay upang matukoy kung mayroon nga ba talagang sapat na suplay ng bigas sa bansa mapa-lokal man o imported. Ayon kay Romualdez, natuklasan nila na ilan… Continue reading Mga inimbak na bigas sa warehouses, dapat nang ilabas – Speaker Romualdez

Desisyon ng SC hinggil sa Makati-Taguig dispute, nagresulta sa mas malawak na scholarship para sa EMBO students

Naniniwala ang isang dating opisyal ng pamahalaan na isa ang Innovative Education Program ng Taguig City sa pakikinabangan ng husto ng mga estudyante ng EMBO barangays. Ito nga ay matapos magdesisyon ang Supreme Court na bahagi na ng Taguig ang mga nasabing barangay. Ayon kay JV Arcena, dating Assistant Secretary for Special Concerns and International… Continue reading Desisyon ng SC hinggil sa Makati-Taguig dispute, nagresulta sa mas malawak na scholarship para sa EMBO students

Micropreneurs, nakakuha ng tulong mula sa isang e-wallet company

Winaive ng e-wallet company na GCash, ang QRPH transaction fees o merchant discount rates (MDRs) para sa micro-merchants na gumagamit ng scan-to-pay service, hanggang katapusan ng 2023. Bukod dito, ang micro-merchants ay may access sa tinaasang wallet limit na hanggang ₱500,000 kada buwan. Gayundin, ang1.5% transaction fee ay naka-waive hanggang ₱100,000 na gross sales. Ang… Continue reading Micropreneurs, nakakuha ng tulong mula sa isang e-wallet company

Ilalaang pondo para sa PCG, pinadaragdagan ni Sen. Risa Hontiveros

Nais ni Senator Risa Hontiveros na dagdagan pa ang ilalaang pondo sa Philippine Coast Guard para sa pagpapalakas ng pagbabantay sa karagatan na nakapaloob sa West Philippine Sea. Sa kanyang privilege speech sinabi ng mambabatas na karapat-dapat lamang na madagdagan ang pondo ng PCG dahil sa panganib na kinakaharap ng mga bantay-dagat ng bansa sa… Continue reading Ilalaang pondo para sa PCG, pinadaragdagan ni Sen. Risa Hontiveros

LTFRB, pahihintulutan na ang aplikasyon para sa pagsalin ng Certificate of Public Convenience

Papayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paghahain ng mga aplikasyon para sa pagsalin ng Certificate of Public Convenience (CPC) ng mga pampublikong transportasyon. Ayon sa LTFRB, ang hakbang na ito ay tugon sa hiling ng ilang transport group na repasuhin ang Memorandum Circular (MC) 2016-010 na nagbabawal sa pagsalin ng… Continue reading LTFRB, pahihintulutan na ang aplikasyon para sa pagsalin ng Certificate of Public Convenience

Bagong Philippine Marine HQ sa Morong, Bataan, magiging “world class” — BCDA

Tiniyak ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairman Delfin Lorenzana, na magiging “world class facility” ang bagong Philippine Marine Corps (PMC) headquarters sa Discovery Park sa Morong, Bataan. Ito ang inihayag ni Lorenzana matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony para sa “Package 1, Phase 1” ng naturang proyekto, kasama sina BCDA President and CEO Engr.… Continue reading Bagong Philippine Marine HQ sa Morong, Bataan, magiging “world class” — BCDA