Hindi pa tumitigil sa pag-aalburoto ang bulkan Mayon sa lalawigan ng Albay.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagparamdam pa ng 21 volcanic earthquake ang bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Kabilang dito ang 10 volcanic tremors na tumagal ng 3 hanggang 36 minuto.
May naitala ring 186 rockfall events at isang pyroclastic density current events sa bulkan.
Ayon pa sa PHIVOLCS, patuloy pa itong naglalabas ng lava mula sa crater at pagbuga ng sulfur dioxide na abot sa 1,084 tonelada kahapon.
Kaugnay nito, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius danger zone habang nakataas pa sa alert level 3 ang status nito. | ulat ni Rey Ferrer