QCPD director, nagbitiw sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbitiw na sa pwesto si Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brig. General Nicolas Torre III.

Ayon kay Torre, nakausap na niya si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. at tinanggap naman nito ang kanyang pagbibitiw.

Ito’y kaugnay ng nangyaring mistulang pagbibigay ng QCPD ng “special treatment” sa dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nag-trending sa social media dahil sa pananakit at pagkasa ng baril sa isang siklista sa QC kamakailan.

Napuna kasi ng ilan na hinayaan ni Gen. Torre na magpa-presscon si Gonzales.

Depensa nito, kaya niya hinayaan si Gonzales na magpa-presscon ay dahil nasa labas noon ng kanyang opisina ang mga media na nakitang kausap niya si Gonzales na nagpunta rin noon sa kaniyang tanggapan.

Sinabi naman ni Torre na magpapahinga muna siya, pero nangako itong makikipagtulungan pa rin sa isinasagawang imbestigasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us