Bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ngayong buwan, nakiisa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isinagawang Brigada Eskwela 2023 sa Vicente Duterte Elementary School sa Bansalan, Davao Del Sur.
Pinangunahan ni VP Sara kasama ang mga guro, mga estudyante, at mga volunteer, ang Brigada Eskwela activities kung saan nilinis nito ang mga silid-aralan.
Nagpaalala naman ang Pangalawang Pangulo sa mga guro kaugnay sa DepEd Order No. 21 series of 2023 o ang Brigada Eskwela Implementing Guidelines.
Layon nitong tiyaking malinis at walang mga dekorasyon, tarpaulin, o mga poster ang mga silid-aralan upang magkaroon ng focus ang mga mag-aaral sa lecture ng mga guro.
Nagpasalamat naman si VP Sara sa lahat ng education stakeholders para sa suporta at aktibong paglahok sa Brigada Eskwela 2023. | ulat ni Diane Lear
📷: OVP