Balasahan ng PNP Sulu, isinagawa bago ang BSK Elections sa Oktubre

Handa na ang mga tauhan ng Sulu Police Provincial Office sa pagpapatuapd ng seguridad para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre ng taong kasalukuyan.  Ito ay matapos isagawa ang balasahan ng mga opisyal nito na nakatalaga sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan lalo na ang mga matagal na… Continue reading Balasahan ng PNP Sulu, isinagawa bago ang BSK Elections sa Oktubre

Operasyon ng Pasig River Ferry Service, suspendido

Nagpaabiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry Service ngayong araw. Ayon sa MMDA, ito’y bunsod ng nararanasang masamang panahon dahil sa epekto na rin ng #BagyongHannaPH Mayroong 13 istasyon ang Pasig River Ferry Service partikular na sa mga lugar ng Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa… Continue reading Operasyon ng Pasig River Ferry Service, suspendido

Mga tauhan ng MRRMO at MSWDO sa Region 2, sinamay para sa maayos na pangangasiwa sa mga donsayon at relief goods

Sinanay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Offices at Municipal Risk Reduction and Management Offices Rehiyon 2 kaugnay sa logistics and warehouse management. Sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division, naisagawa ang apat na araw na pagsasanay para sa 44 na kawani… Continue reading Mga tauhan ng MRRMO at MSWDO sa Region 2, sinamay para sa maayos na pangangasiwa sa mga donsayon at relief goods

Pres. Marcos Jr., inaprubahan ang pagtatakda ng ceiling sa presyo ng bigas sa buong bansa

Binigyan ng “go signal” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas. Ang pag-aapruba ay sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Executive Order No. 39 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang August 31. Ang pagtatakda ng price ceiling ay base na din sa rekomendasyon ng Department of… Continue reading Pres. Marcos Jr., inaprubahan ang pagtatakda ng ceiling sa presyo ng bigas sa buong bansa

P1.36-M shabu, nakumpiska sa Iloilo, 4 na tulak ng droga arestado

Nasabat ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 million sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit sa Brgy. Poblacion Southeast, Lemery, Iloilo. Arestado sina Sheila Mae Yu, 34 na taong gulang; Jose Maria Yu, 26 na taong ulang; Bryan Yu, 29 na taong gulang; at Angel Alavaren, 21 taong gulang… Continue reading P1.36-M shabu, nakumpiska sa Iloilo, 4 na tulak ng droga arestado

Mga apektadong indibidwal ng bagyong Goring at habagat, pumalo na sa higit 390,000 — DSWD

Umabot na sa 397,384 ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyong Goring pati ng habagat, na pinaiigting ng isa pang bagyo. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas na ito ng higit 109,000 na pamilya mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, NCR, CAR, Western, at Central… Continue reading Mga apektadong indibidwal ng bagyong Goring at habagat, pumalo na sa higit 390,000 — DSWD

Comelec Bicol, kinumpirmang may ilang lugar sa rehiyon ang pasok sa red category, may kaugnayan sa BSK Elections

Kinumpirma ni Bicol Comelec Regional Director Atty. Jane Valeza, na may ilang lugar sa Bicol ang pasok sa red category may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Sa lalawigan ng Albay mula tatlo hanggang apat na lugar ang kanilang tinitingnan, sa Masbate may apat rin,  at sa Camarines Norte may isa o… Continue reading Comelec Bicol, kinumpirmang may ilang lugar sa rehiyon ang pasok sa red category, may kaugnayan sa BSK Elections

Higit 1,000 indibidwal, nananatili sa evacuation center sa Brgy. Tatalon, QC

Nagpalipas ng magdamag sa Diosdado Macapagal Elementary School sa Barangay Tatalon ang higit 300 pamilya o 1,000 indibidwal dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat. Ayon kay Virgilio Cruz, Deputy Officer ng Brgy. Tatalon, alas-5:30 pa ng umaga kahapon nang simulan na ang preemptive evacuation sa mga apektadong residente. Karamihan aniya sa mga inilikas ay… Continue reading Higit 1,000 indibidwal, nananatili sa evacuation center sa Brgy. Tatalon, QC

Punong Barangay sa Masbate, pinagbantaan ang buhay dahil sa nalalapit na eleksiyon, ayon sa Comelec

Kinumpirma ni Comelec Regional Director Valeza na isang punong barangay sa lalawigan ng Masbate ang tumawag sa kanilang tanggapan na pinagbabantaan na bibitbitin kung hindi siya aatras sa kanyang muling pagtakbo bilang punong barangay.  Hindi na pinangalanan ni Valeza ang barangay captain at kanyang lugar para sa kanyang kaligtasan. Tiniyak ng opisyal, na tutukan ito… Continue reading Punong Barangay sa Masbate, pinagbantaan ang buhay dahil sa nalalapit na eleksiyon, ayon sa Comelec

P1.7-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Bacolod City

Arestado ang isang high value target drug personality sa ikinasang buy bust operation ng City Drug Enforcement Unit sa Purok Progreso Village II, Barangay Vista Alegre, Bacolod City, kanilang 2:48 a.m. Ang subject ng operasyon ay kinilalang si Justin Gayoso, 27 taong gulang at residente ng nasabing lugar. Nakumpiska kay Gayoso ang 253 gramo ng… Continue reading P1.7-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Bacolod City