Panghapong klase sa Taytay, Rizal, suspendido na

Suspendido na rin ang panghapong klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal. Batay ito sa anunsyo ng lokal na pamahalaan matapos magdeklara ng Yellow Rainfall Warning ang PAGASA kaninang alas-10 ng umaga. Ayon kay Taytay Mayor Allan de Leon, nakasalig ito sa nilagdaan niyang… Continue reading Panghapong klase sa Taytay, Rizal, suspendido na

Isang linggong palugit sa pagpapatupad ng price cap sa bigas, iminungkahi ng SINAG

Iminungkahi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ipagpaliban muna ng isang linggo ang pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagtatakda ng price cap sa bigas. Sa panayam sa media, sinabi ni SINAG Executive Dir. Jayson Cainglet na umaasa itong mabigyan pa ng sapat na panahon ang… Continue reading Isang linggong palugit sa pagpapatupad ng price cap sa bigas, iminungkahi ng SINAG

MMDA, umapela sa mga tindero sa palengke na sundin ang itinakdang price cap sa bigas

Nakatakdang pulungin ng 17 Local Chief Executives ang mga market administrator sa kani-kanilang nasasakupan gayundin ang iba’t ibang stakeholders. Ito’y para sa pagpapatupad ng Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtatakda ng price cap sa bigas sa buong bansa epektibo bukas, ika-5 ng Setyembre. Kasunod nito, nagpaalala ang Metropolitan Manila Development… Continue reading MMDA, umapela sa mga tindero sa palengke na sundin ang itinakdang price cap sa bigas

Lebel ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng magdamag na pag-ulan

Nananatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River sa kabila ng walang patid na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na magdamag hanggang nitong umaga. Batay sa monitoring ng Marikina City Rescue 161, nasa 14.8 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River o nasa dalawang pulgada na lang bago ang 15 meters o unang… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng magdamag na pag-ulan

Natanggap na retirement pay ng dating pulis na nanutok ng baril sa siklista, pinapasauli ng PNP

Pinapasauli ng Philippine National Police ang natanggap na retirement pay ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PBGen. Nino David Rabaya, director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, na mahigit sa P500,000 ang dapat isauli ni Gonzales.… Continue reading Natanggap na retirement pay ng dating pulis na nanutok ng baril sa siklista, pinapasauli ng PNP

Bilang ng mga nag-enroll para sa SY 2023-2024, umakyat na sa 25 milyon — DepEd

Tumaas pa ang bilang ng mga estudyante ang nag-enroll para sa School Year 2023-2024. Ayon sa Department of Education o DepEd, umabot na sa 25.1 milyon ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll ngayong school year. Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count hanggang ngayong September 4. Pinakamarami ang… Continue reading Bilang ng mga nag-enroll para sa SY 2023-2024, umakyat na sa 25 milyon — DepEd

Panukalang rental subsidy para sa informal settler families, pinamamadali sa gitna ng magkakasunod na kalamidad

Pinamamadali na ni Davao City Representative Paolo Duterte ang pagpapasa ng panukala na magbibigay ng rental subsidy sa mga informal settler family (ISF) upang makapagrenta ng mas maayos at disenteng tirahan. Ayon sa mambabatas, mahalagang maisabatas na ang panukala para mailikas na rin ang mga pamilyang nakatira sa danger zone gayundin ang mga nawalan ng… Continue reading Panukalang rental subsidy para sa informal settler families, pinamamadali sa gitna ng magkakasunod na kalamidad

Party-list solon, ikinatuwa ang pagtutulak ng Senado na maipasa ang Legislated Wage Hike bago mag-Pasko

Welcome para kay Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na itutulak ang pag-apruba ng panukalang ₱150 na taas-sahod bago mag-Pasko. Aniya, magandang balita kung totohanin ng Senado ang pag-apruba ng panukalang Legislated Wage Hike bago matapos ang taon, at dapat ding kumilos na ang… Continue reading Party-list solon, ikinatuwa ang pagtutulak ng Senado na maipasa ang Legislated Wage Hike bago mag-Pasko

MMDA, naglabas ng listahan ng mga binahang lugar sa NCR; publiko, pinaiiwas

Pinaiiwas ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang publiko sa mga binahang lansangan sa Metro Manila ngayong umaga bunsod ng walang patid na pag-ulang dala ng habagat As of 9AM, ilan sa mga binahang lansangan ay ang Roxas Boulevard sa bahagi ng Pedro Gil sa Maynila kung saan ‘gutter deep’ na ang taas ng… Continue reading MMDA, naglabas ng listahan ng mga binahang lugar sa NCR; publiko, pinaiiwas

Panukalang pagpapababa ng retirement age ng mga empleyado ng gobyerno, dapat tiyaking magiging sustainable

Kailangang pag-aralang mabuti kung paanong gagawing sustainable ang panukalang batas na nagsusulong na mapababa ang compulsory at optional retirement age ng mga empleyado ng gobyerno ayon kay Senador Sherwin Gatchalian. Lalo na aniya’t maraming sumusuporta sa panukalang batas na ito at sumasang-ayon rin ang marami na ang batayan ng computation ng halaga ng makukuhang pension… Continue reading Panukalang pagpapababa ng retirement age ng mga empleyado ng gobyerno, dapat tiyaking magiging sustainable