Architectural at engineering study para sa restoration ng Manila Central Post Office, nagpapatuloy pa

Kasalukuyan pang nagsasagawa ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ng detailed architectural at engineering study para malaman kung magkano ang kakailanganin para sa restorasyon ng Manila Central Post Office (MCPO) na nasunog nitong Mayo 2023. Sa pagdinig ng panukalang pondo ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) para sa susunod na taon, natanong ng mga senador… Continue reading Architectural at engineering study para sa restoration ng Manila Central Post Office, nagpapatuloy pa

Sen. Imee Marcos, naniniwalang makakapagpabagal ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ang revalidation

Iginiit ni Senadora Imee Marcos na nakakapagpabagal lang sa pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo ng new agrarian emancipation law ang paulit-ulit na pag-validate sa pagkakakilanlan ng mga magsasaka at sa kanilang certificate of land ownership awards (CLOAS). Ipinahayag ito ng senadora bago pa man aniya malagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementing… Continue reading Sen. Imee Marcos, naniniwalang makakapagpabagal ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ang revalidation

‘One pen voting’ sa mga lugar na kontrolado ng BARMM, hindi na magaganap ayon sa COMELEC

Siniguro ni COMELEC Chair George Garcia na hindi na magaganap ang one pen voting o pag-shade ng iisang tao sa mga balota sa darating na Barangay at SK Elections (BSKE) sa Oktubre. Ito’y matapos matanong ni Lanao del Norte Rep. Mohammad Khalid Dimaporo sa opisyal kung anong mga hakbang ang ginagawa ng poll body para… Continue reading ‘One pen voting’ sa mga lugar na kontrolado ng BARMM, hindi na magaganap ayon sa COMELEC

Pagsasabatas ng school-based mental health program, aprubado na sa Senado

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Senate Bill 2200). Sa ilalim ng panukala, i-institutionalize o isasabatas na ang pagpapatupad ng school-based mental health program para matiyak ang kapakanan ng mga… Continue reading Pagsasabatas ng school-based mental health program, aprubado na sa Senado

Ombudsman, dumipensa sa hindi pagkakasama ni dating Pangulong Duterte sa mga pinakasuhan sa umano’y maanomalyang Pharmally deal

Ipinaliwanag ni Ombusdman Samuel Martires kung bakit hindi kasama si dating Pang. Rodrigo Duterte sa mga pinakasuhan kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng COVID-19 test kits mula sa kompanyang Pharmally. Kasunod ito ng pag-usisa ni Albay Rep. Edcel Lagman kung bakit may mga matataas na opisyal ng pamahalaan na hindi nasama sa mga nakasuhan. Diin… Continue reading Ombudsman, dumipensa sa hindi pagkakasama ni dating Pangulong Duterte sa mga pinakasuhan sa umano’y maanomalyang Pharmally deal

DSWD, sinimulan na rin ang pamamahagi ngcash aid sa micro rice retailers sa Zamboanga del Sur

Umarangkada na rin ang payout ng Cash Assistance sa Micro Rice Retailers sa Zamboanga del Sur na apektado ng Executive Order No. 39 . Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), walang pagkakaiba ang ipinamamahaging ayuda sa lalawigan na ginagawa sa Metro Manila. Sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program-Cash Assistance for Micro Rice… Continue reading DSWD, sinimulan na rin ang pamamahagi ngcash aid sa micro rice retailers sa Zamboanga del Sur

Indibidwal na sangkot sa organ trafficking, naaresto ng NBI

Hawak na ng National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crime Division ang isang lalaki na sangkot sa kasong human organs trafficking. Kinasuhan na ng NBI ang nahuling suspek na si John Anthony Rosalin Gabriel dahil sa paglabag sa R.A. 11862 o Expanded Trafficking in Persons Act of 2022. Ayon sa ulat, isang informant… Continue reading Indibidwal na sangkot sa organ trafficking, naaresto ng NBI

Finance Secretary Diokno, suportado ang mga panukalang si NEDA secretary ang mamuno ng DA

Suportado ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang mga panukala na pamunuan ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang Department of Agriculture (DA). Sa panayam ng media kay Diokno, inamin nito na naririnig na niya ang mga suhestyon na italaga si Balisacan sa kagawaran na kasalukuyang hawak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa kalihim, malawak… Continue reading Finance Secretary Diokno, suportado ang mga panukalang si NEDA secretary ang mamuno ng DA

Kaso ng acute gastroenteritis sa Iloilo City muling tumaas

Nagbigay ng babala ang City Health Office (CHO) sa mga residente sa lungsod ng Iloilo na siguraduhing malinis ang kanilang pinagkukunan ng tubig matapos muling nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng acute gastroenteritis (AGE) ang lungsod. Mula September 10, umabot na sa 508 ang kaso ng AGE sa lungsod. Bagama’t walang nagpositibo sa Cholera, may… Continue reading Kaso ng acute gastroenteritis sa Iloilo City muling tumaas

2025 BSKE at internet voting, ‘di naisama sa panukalang pondo ng COMELEC sa susunod na taon

Inilatag ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia sa mga mambabatas na hindi naisama sa kanilang 2024 proposed budget ang pondo para sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa pagharap ng poll body sa Kamara, sinabi ni Garcia na sa P27.3 billion na panukalang pondo nila sa susunod na taon ay hindi… Continue reading 2025 BSKE at internet voting, ‘di naisama sa panukalang pondo ng COMELEC sa susunod na taon