Panukala para mabigyan ng school credit ang mga empleyado batay sa kanilang work experience, nakausad na sa Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program o ETEEAP. Sa ilalim ng House Bill 9015, bibigyang pagkakataon ang mga indibidwal na mayroon nang sapat na work experience o kasanayan na makakuha ng school credit para sa college education. Ipinunto ni Bagui Representative Mark Go na sponsor ng… Continue reading Panukala para mabigyan ng school credit ang mga empleyado batay sa kanilang work experience, nakausad na sa Kamara

P8-M halaga ng pananim na marijuana, sinira ng PDEA sa Kalinga

Sa patuloy na kampanya sa pagsugpo ng marijuana, sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP), ang dalawang plantasyon ng marijuana sa Ngibat, Tinglayan, Kalinga na may humigit-kumulang na 40,000 piraso ng fully grown marijuana plants. Ayon kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, binunot at… Continue reading P8-M halaga ng pananim na marijuana, sinira ng PDEA sa Kalinga

Pagsasaayos ng pension system ng AFP, ipinapanukala ni Sen. Imee Marcos

Naghain si Senador Imee Marcos ng isang panukalang batas, na layong makapaglatag ng isang sustainbale framework para sa pension system ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa ilalim ng Senate Bill 2434 o ang panukalang Armed Forces of the Philippines (AFP) Pension System Act, layong ayusin ang kasalukuyang pension system ng… Continue reading Pagsasaayos ng pension system ng AFP, ipinapanukala ni Sen. Imee Marcos

Micro rice retailers sa Western Visayas, nakatanggap ng cash aid mula sa DSWD

Nakatanggap na rin ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga micro rice retailer sa Western Visayas. Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-cash assistance ng DSWD. Layon nitong tulungan ang mga rice retailer na tumalima sa Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na price… Continue reading Micro rice retailers sa Western Visayas, nakatanggap ng cash aid mula sa DSWD

Pagiging top rice importer ng Pilipinas, dahil sa napabayaang sektor ng agrikultura, ayon sa isang mambabatas

Naniniwala si Nueva Ecija Representative Ria Vergara na ang kawalan ng suporta sa sektor ng agrikultura sa loob ng maraming dekada ang dahilan kung bakit nauwi ngayon ang Pilipinas sa pagiging top importer ng bigas. Batay sa ulat ng US Department of Agriculture, naungusan na ng Pilipinas ang China sa pagiging top importer ng bigas… Continue reading Pagiging top rice importer ng Pilipinas, dahil sa napabayaang sektor ng agrikultura, ayon sa isang mambabatas

Bayad sa small transactions sa mga bangko, pinatatanggal na ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga banking institution sa bansa na alisin na ang singil sa mga small transaction ng kanilang customers. Sa kanyang pagdalo sa launching ng Alliance for Financial Inclusion Global Policy Forum, sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, mas mahihikayat ang mga customer na gumamit ng mga banking transaction… Continue reading Bayad sa small transactions sa mga bangko, pinatatanggal na ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Malaking oportunidad sa Pilipinas, naghihintay sa mga mamumuhunang Singaporean businessmen, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Malaking oportunidad ang naghihintay sa Singaporean businessmen, sakaling ikonsidera nila ang pamumuhunan sa Pilipinas. Sa ginanap na rountable discussion kasama ang business leaders sa Singapore, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ito na mamuhunan sa renewable energy, smart at innovative economy. Gayundin sa infrastructure development sa ilalim ng Build, Better, More program… Continue reading Malaking oportunidad sa Pilipinas, naghihintay sa mga mamumuhunang Singaporean businessmen, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Mga SK official, ipinasasailalim sa ‘values training’ ng isang mambabatas

Binigyang-diin ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante ang kahalagahan na maglunsad ang National Youth Commission (NYC) ng values-centered training para sa mga bagong magiging opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK). Ayon sa House Appropriations Committee Vice Chair, mahalagang malinang ang ‘moral compass” ng mga opisyal ng SK upang maisakatuparan ang “Bagong Pilipinas” na inisyatiba ng… Continue reading Mga SK official, ipinasasailalim sa ‘values training’ ng isang mambabatas

Malabon LGU, nagsimula nang mamahagi ng P15,000 cash assistance para sa maliit na rice retailers sa lungsod

Sinimulan na rin ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga small at micro rice retailer sa Lungsod ng Malabon. Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layon nitong matulungan ang mga maliit na rice retailer na tumalima sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R.… Continue reading Malabon LGU, nagsimula nang mamahagi ng P15,000 cash assistance para sa maliit na rice retailers sa lungsod

Long term climate targets ng Pilipinas, binuksan ng Pangulo sa sidelines ng Asia Summit

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Singaporean businessmen na maging bahagi ng layunin ng Pilipinas na itaas ang renewable share sa power generation. Maging ang pagbibigay ng mas murang kuryente, at mas malinis na enerhiya sa publiko. Sa sidelines ng 10th Asia Summit Fireside Chat sa Singapore, partikular na ipinunto ng Pangulo ang… Continue reading Long term climate targets ng Pilipinas, binuksan ng Pangulo sa sidelines ng Asia Summit