Iba’t ibang aktibidad, inilatag ng DepEd San Carlos City sa pagdiriwang ng “Buwan ng mga Guro”

Nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro ngayong Setyembre ang pamunuan ng San Carlos City Schools Division Office. Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang misa na sindundan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng medical mission, parada at konsyerto. Ang pagdiriwang ngayong taon na may temang “Together4Teachers,” ay pagkilala sa husay, dedikasyon at kadakilaan… Continue reading Iba’t ibang aktibidad, inilatag ng DepEd San Carlos City sa pagdiriwang ng “Buwan ng mga Guro”

Init factor sa QC ngayong araw, pumalo sa 39 degrees Celsius – QCDRRMO

Nakapagtala ng 33-degree Celsius (°C) na temperatura at 58% na relative humidity ang PAGASA Science Garden AWS, kaninang alas-12:09 ng tanghali. Ito ay may heat index o init factor na 39°C na kinokonsidera bilang extreme caution. Ang heat index ay temperaturang nararamdaman ng ating katawan. Kailangan ng ibayong pag-iingat, dahil ito ay maaaring magdulot ng… Continue reading Init factor sa QC ngayong araw, pumalo sa 39 degrees Celsius – QCDRRMO

Pangulong Marcos Jr., naisahan ang smugglers sa ginawang pamamahagi ng nasabat na bigas; Hakbang ng Pangulo, ‘best deterrent’ sa smuggling

Naniniwala si Bulacan Representative Salvador Pleyto na tama ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ipamahagi sa mga mahihirap ang nakumpiskang smuggled at hoarded na bigas. Ayon kay Pleyto, pinakamainam itong hakbang upang mahinto ang smuggling dahil sa hindi na ito mapapakinabangan at pagkakakitaan ng smugglers. “By giving them to the people, it… Continue reading Pangulong Marcos Jr., naisahan ang smugglers sa ginawang pamamahagi ng nasabat na bigas; Hakbang ng Pangulo, ‘best deterrent’ sa smuggling

Mahigit 100 indibidwal na biktima ng trafficking-in-persons sa Sulu, nasagip ng mga awtoridad

Nasa 128 biktima ng trafficking-in-persons ang nasagip ng mga tauhan ng Ministry of Social Services and Development o MSSD Sulu kahapon sa tulong ng mga tauhan mula sa 7th Special Action Battalion, Women’s and Children Protection Center Mindanao Field Unit, Criminal Investigation Detection Provincial Group Field Unit, WCPD Sulu PPO, 1st at 2nd Mobile Force… Continue reading Mahigit 100 indibidwal na biktima ng trafficking-in-persons sa Sulu, nasagip ng mga awtoridad

Higit 200 rice retailers sa QC, target maabutan ng cash assistance sa ikalawang batch ng payout ngayong araw

Nagsimula na ang cash assistance payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga rice retailer na apektado ng EO-39 sa Quezon City. Ito na ang ikalawang batch ng payout sa QC para sa mga retailers na hindi nakapunta sa unang payout noon sa Commonwealth… Continue reading Higit 200 rice retailers sa QC, target maabutan ng cash assistance sa ikalawang batch ng payout ngayong araw

Superintendent ng Davao Prison and Penal Farm, sinibak sa puwesto matapos makatakas ang isang PDL

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections o BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang pagsibak sa puwesto sa superintendent ng Davao Prison and Penal Farm. Ito’y ayon kay Catapang ay kasunod na rin ng nangyaring pagtakas ng isang Person Deprived of Liberty o PDL na kinilalang si Jundee Caño noong Setyembre 13. Ayon kay Catapang,… Continue reading Superintendent ng Davao Prison and Penal Farm, sinibak sa puwesto matapos makatakas ang isang PDL

PRC, namahagi ng hotmeals sa mga residente na nasalanta ng nagdaang bagyo

Patuloy ang operasyon ng Philippine Red Cross o PRC sa lalawigan ng Abra. Ito ay ilang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay at Bagyong Falcon sa lugar. Kaugnay nito ay nagtungo ang mga volunteer at staff ng PRC sa Sta. Rosa Elementary School at Sinapangan Elementary School upang magbigay ng hot meals sa mga… Continue reading PRC, namahagi ng hotmeals sa mga residente na nasalanta ng nagdaang bagyo

Magkapatid na suspek sa pagpatay ng pulis sa Rizal, naaresto sa Bulacan

Naaresto ng mga tauhan ng Rizal Provincial Police Office (PPO) sa operasyon sa Bulacan ang magkapatid na suspek sa pagpatay kay PSSg. Allan Guimpayan sa Taytay, Rizal noong September 7. Naaresto ang dalawa noong September 14 sa isang construction site sa San Jose Del Monte, Bulacan matapos ang tuloy-tuloy na follow-up operations ng operating unit… Continue reading Magkapatid na suspek sa pagpatay ng pulis sa Rizal, naaresto sa Bulacan

LTFRB, nilinaw na hindi na maaaring gamitin sa ibang bagay ang fuel subsidy

Nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz III na hindi maaaring gamitin ang fuel subsidy sa ibang bagay. Ito aniya ay nakalaan lamang bilang pambayad sa mga piling gasolinahan para makabili ng produktong petrolyo. Sinabi ni Guadiz na lahat ng mga pampublikong sasakyan, maliban sa Truck-for-Hire, ay maaaring makatanggap ng fuel… Continue reading LTFRB, nilinaw na hindi na maaaring gamitin sa ibang bagay ang fuel subsidy

Pransya, handang tumulong sa pagbuo ng “submarine force” ng Pilipinas

Nagpahayag ng suporta ang Pransya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program at kahandaang tumulong sa pagbuo ng “submarine force” ng Pilipinas. Ito ang ipinaabot ni French Ambassador-designate to the Philippines Marie Fontanel-Lassalle kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa pagbisita ng embahador sa DND Headquarters sa Camp Aguinaldo. Sa… Continue reading Pransya, handang tumulong sa pagbuo ng “submarine force” ng Pilipinas