Ilang matataas na delegasyon mula Israel, magtutungo sa Pilipinas bago matapos ang 2023

Inaasahan ang pagbisita sa bansa ng ilang matataas na opisyal mula sa Israel Government bago matapos ang taong ito. Sa Pandesal Forum kung saan ipinagdiwang ang Jewish holiday na Rosh Hashanah, ibinahagi ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ang ilang inihahandang plano para sa pagpapalawak ng ugnayan ng Pilipinas at Israel. Ayon kay… Continue reading Ilang matataas na delegasyon mula Israel, magtutungo sa Pilipinas bago matapos ang 2023

QC Mayor Joy Belmonte, dumalo sa United Nations Climate Ambition Summit sa New York

Nakiisa si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa United Nations Climate Ambition Summit (UNCAS) New York Climate Week 2023. Dito, nagkaroon ng pagkakataon ang alkalde na makibahagi sa roundtable discussion kung saan tinalakay nito ang mga aksyon at inisiyatibo ng lokal na pamahalaan para sa “half fossil fuel use by 2030”. Kasama rito ang pagtatalaga… Continue reading QC Mayor Joy Belmonte, dumalo sa United Nations Climate Ambition Summit sa New York

Mahigit 400 rice retailers na apektado ng implementasyon ng rice price cap sa Rehiyon Dos, napagkalooban na ng tulong –DSWD 2

Halos 70% na ang napagkalooban ng tulong sa mga rice retailer sa rehiyon dos na apektado ng pagpapatupad sa Executive Order 39 o ang pagtatakda ng mas mababang presyo ng bigas sa bansa. Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 Director Lucia Alan, nasa 402 na mula sa 595 na maliliit… Continue reading Mahigit 400 rice retailers na apektado ng implementasyon ng rice price cap sa Rehiyon Dos, napagkalooban na ng tulong –DSWD 2

DOT, ikinatuwa ang mabilis na pagkakalusot ng kanilang panukalang budget para sa 2024

Labis na ikinatuwa ng Department o Tourism ang mabilis na pag-apruba ng Kamara para sa 2.7 o halos 3 bilyong pisong panukalang budget ng Kagawaran para sa susunod na taon. Sa isang pahayag, nagpaabot ng pasasalamat si Tourism Sec. Ma. Christina Frasco sa mga miyembro ng mababang kapulungan sa kanilang suporta upang maipasa ang dagdag… Continue reading DOT, ikinatuwa ang mabilis na pagkakalusot ng kanilang panukalang budget para sa 2024

Hinihinalang shabu at marijuana, nasamsam sa loob ng Manila City Jail Annex

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) matapos isagawa ang greyhound operation sa Manila City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Dahil dito, masasampahan uli ng panibagong kaso ang PDL na si Elymark Dela Cruz, 25 taong gulang dahil sa paglabag sa batas na Comprehensive Dangerous… Continue reading Hinihinalang shabu at marijuana, nasamsam sa loob ng Manila City Jail Annex

National Nutrition Council (NNC), inilunsad ang Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN 2023-2028

Inilulunsad na ngayong umaga sa pangunguna ng National Nutrition Council o NNC ang Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN 2023-2028 sa Manila Hotel, Ermita Manila bilang bahagi ng pagtataguyod sa food and nutrition security sa bansa. Ayon sa opisyal na pahayag ng NNC, nakikibahagi sa launching ang pitong lalawigan sa Luzon, kabilang ang… Continue reading National Nutrition Council (NNC), inilunsad ang Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN 2023-2028

DA, kasalukuyang isinasagawa ang Information Caravan 2023 sa lalawigan ng Ilocos Norte

Aabot sa mahigit 600 magsasaka at mangingisda sa buong Ilocos Region ang nakilahok sa isinasagawang Department of Agriculture Information Caravan 2023 sa lalawigan ng Ilocos Norte. Ang nasabing programa ay naglalayun na ipaabot at ipaalam ang iba’t-ibang mga programa at proyekto ng Department of Agriculture sa mga magsasaka at mangingisda sa buong Pilipinas. Sinabi ni… Continue reading DA, kasalukuyang isinasagawa ang Information Caravan 2023 sa lalawigan ng Ilocos Norte

Pamamahagi ng ayuda para sa mga rice retailer sa Pasig City, muling isinagawa

Patuloy ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan para sa mga rice retailer na tumatalima sa Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas. Sa ikalawang pagkakataon sa Pasig City, tinatayang nasa 96 na rice retailer beneficiaries ang target na mabigyan ng tulong. Isinagawa ang payout sa Tanghalang Pasigueño na nasa loob… Continue reading Pamamahagi ng ayuda para sa mga rice retailer sa Pasig City, muling isinagawa

PNP Chief, nanawagan sa publiko na tumulong sa internal cleansing ng PNP

Nanawagan si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga mamamayan na tumulong sa internal cleansing program ng PNP sa pamamagitan ng pagsumbong sa mga tiwaling gawain ng mga pulis. Ang panawagan ay ginawa ng PNP Chief sa pulong balitaan ngayong umaga matapos maaresto ang dalawang pulis at isang sibilyan dahil sa kanilang pangongotong… Continue reading PNP Chief, nanawagan sa publiko na tumulong sa internal cleansing ng PNP

Pagpapalago ng seaweed farming, tinutukan ng BFAR Region 1

Opisyal ng pinasinayaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang regional seaweeds nursery sa bayan ng Anda, Pangasinan, noong Setyembre 19, 2023. Nagsimula bilang isang experimental area ang dalawang ektaryang seaweed nursery simula noong taong 2019. Bago pa man maitatag ang seaweed nursery ay mayaman na ang lugar sa mga halamang… Continue reading Pagpapalago ng seaweed farming, tinutukan ng BFAR Region 1