Dalawang katao, inaresto ng NBI dahil sa online child exploitation

Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang dalawang indibidwal dahil sa online child exploitation. Naaresto sa isang entrapment operations ang mga suspek na kinilalang sina Lynette Cruz at Paulo Dela Cruz noong September 8. Ayon sa NBI, nag-ugat ito sa impormasyong natanggap ng kanilang Anti-Violence Against Women and Children division mula sa… Continue reading Dalawang katao, inaresto ng NBI dahil sa online child exploitation

Resolusyon na naghahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Marikina Mayor Bayani Fernando, pinagtibay ng Kamara

Kinatigan ng mayorya ng mga mambabatas ang pagpapatibay sa House Resolution 1332 na naghahayag ng pakikidalamhati ng Kapulungan sa pagpanaw ni dating Marikina Mayor at Congressman Bayani Fernando. Setyembre 22 nang pumanaw ang dating kongresista sa edad na 77. Kinilala sa resolusyon ang mahabang karera sa serbisyo publiko ni Fernando kabilang ang pagiging alkalde ng… Continue reading Resolusyon na naghahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Marikina Mayor Bayani Fernando, pinagtibay ng Kamara

Mga mag-aaral at guro, positibo ang pagtanggap sa MATATAG curriculum sa unang araw ng pilot-run nito

Ipinagmalaki ng Department of Education o DepEd na naging positibo ang pagtanggap ng mga estudyante at guro sa pilot run ng MATATAG K to 10 Curriculum. Ayon kay DepEd Spokesperson, Usec. Michael Poa, iniulat sa kanila ng mga kalahok na rehiyon na napaghandaang maigi ng mga guro ang pilot-run dahil sa mga inihandang pagsasanay para… Continue reading Mga mag-aaral at guro, positibo ang pagtanggap sa MATATAG curriculum sa unang araw ng pilot-run nito

PNP, handang tumulong sa imbestigasyon ng cyber attack sa Philhealth

Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kanilang kahandaan para tumulong sa Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH. Ito’y makaraang makaranas ng pag-atake ng isang ransomware na may pangalang MEDUSA ang state insurer nitong weekend kung saan, hinihingan ito ng humigit kumulang P17 milyon kapalit ang nakuhang datos. Ayon kay PNP Public Information Office… Continue reading PNP, handang tumulong sa imbestigasyon ng cyber attack sa Philhealth

Pinasimpleng pagbubuwis sa mining, pinagtibay sa Kamara

Aprubado na sa ikatlong pagbasa ang House Bill 8937 o panukala para ayusin ang local mining fiscal regime. Aamyendahan ng panukala ang National Internal Revenue Code of 1997 sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na mga probisyon. Kabilang ang Mining Fiscal Regime sa mga SONA priority measure ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Oras na… Continue reading Pinasimpleng pagbubuwis sa mining, pinagtibay sa Kamara

AFP at PNP, nagkasundo na palakasin ang joint operations sa Northern Luzon

Napagkasunduan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) na mas palakasin pa ang kanilang inter-agency cooperation. Ito’y kasunod ng pagbisita NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa Camp Crame. Dito napag-usapan ang pagpapaigting na joint operations ng AFP at… Continue reading AFP at PNP, nagkasundo na palakasin ang joint operations sa Northern Luzon

Magnitude 6.6 na lindol tumama sa Balut Island, Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang bahagi ng Balut Island sa Saranggani, Davao Occidental ngayong umaga lang. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs), bandang 9:39 am naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 434 km timog silangan ng Balut Island. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na… Continue reading Magnitude 6.6 na lindol tumama sa Balut Island, Davao Occidental

Panukalang patawan ng mas mabigat na parusa ang large-scale smuggling ng agri-fishery products, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 9284 o Anti Agri-Fishery Commodities and Tobacco Economic Sabotage Act of 2023. Aamyendahan nito at bibigyang ngipin ang kasalukuyang RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. Sa ilalim ng panukala ang large-scale smuggling, cartelizing, hoarding, profiteering, at iba pang uri ng manipulasyon ng produktong agrikultural… Continue reading Panukalang patawan ng mas mabigat na parusa ang large-scale smuggling ng agri-fishery products, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Bahagi ng T. Santiago St., Cor. MacArthur Highway, isasara ng 2 linggo

Nag-abiso ngayon ang Valenzuela Local Government sa mga motorista kaugnay ng ipatutupad na traffic closure sa bahagi ng T. Santiago Street Corner MacArthur Highway, sa Barangay Malanday/Dalandanan. Batay sa inilabas nitong traffic advisory, sinabi ng pamahalaang lungsod na dalawang linggo munang isasara ang naturang kalsada para magbigay daan sa ilang konstruksyon. Kabilang dito ang Department… Continue reading Bahagi ng T. Santiago St., Cor. MacArthur Highway, isasara ng 2 linggo

Pagsasaayos sa pension system ng mga MUP, pasado na sa Kamara

Tuluyan nang pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8969 o Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System Act. Nasa 272 na mambabatas ang bumoto na pabor, apat ang hindi, at may isang abstention. Sa pamamagitan ng panukalang ito, matitiyak na matatanggap ng mga MUP ang nararapat nilang retirement benefit nang… Continue reading Pagsasaayos sa pension system ng mga MUP, pasado na sa Kamara