National Immunization Program para sa mga buntis, ipinapanukala

Upang mapagbuti pa ang maternal healthcare sa bansa, itinutulak ngayon ni House Health Committee Chair at Batanes Representative Ciriaco Gato Jr., na magkaroon ng National Immunization Program para sa mga nagdadalang tao. Sa ilalim ng House Bill 9354, pinasasama ang Influenza at TDAP o (Tetanus Toxoid, Diphtheria Toxoid, and Acellular Pertussis) vaccinations sa maternal healthcare… Continue reading National Immunization Program para sa mga buntis, ipinapanukala

Mahigit 200 pamilyang apektado ng sunog sa Valenzuela City, kasalukuyang tumutuloy sa evacuation centers

Umabot na sa 215 pamilya o 803 na indibidwal ang apektado ng sunog sa isang bodega sa Barangay Bagbaguin, Valenzuela City. Ito ay batay sa pinakahuling monitoring ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela. Kasalukuyan ngayong tumutuloy ang mga ito sa apat na evacuation centers sa lungsod, kabilang ang A. Mariano Elementary School, 3S Center Multipurpose… Continue reading Mahigit 200 pamilyang apektado ng sunog sa Valenzuela City, kasalukuyang tumutuloy sa evacuation centers

Commitment ng National Government agencies sa “peace education”, malugod na tinanggap ng OPAPRU

Malugod na tinanggap ni Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang suporta ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa “peace education” sa mga barangay at paaralan. Ito ay matapos na ihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Higher Education (CHED), at Department of Education (DepEd)… Continue reading Commitment ng National Government agencies sa “peace education”, malugod na tinanggap ng OPAPRU

Centenarian mula sa EMBO barangay, tumanggap ng ₱100k cash gift

Tumanggap ng ₱100,000 cash gift mula sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang kauna-unahang centenarian mula sa Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangay buhat nang mapunta sa kanila ang pangangasiwa nito. Mismong si Taguig City Mayor Lani Caytano ang nagkaloob ng naturang cash gift sa centenarian na si Lola Maura Agripa kaalinsabay ng kaniyang ika-100 taong… Continue reading Centenarian mula sa EMBO barangay, tumanggap ng ₱100k cash gift

51 insidente ng karahasan sa loob ng election period, iniulat ng PNP

51 insidente ng karahasan na ang naitala ng Philippine National Police, isang buwan bago idaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, sa bilang na ito, 8 ang suspected Election Related Incidents (ERI), 7 ang validated Election Related Incidents at 36 ang na-validate na… Continue reading 51 insidente ng karahasan sa loob ng election period, iniulat ng PNP

Pagkakasabat ng iligal na droga sa Pampanga, pinaiimbestigahan

Pinasisiyasat sa Kamara ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang serye ng pagkakasabat ng iligal na droga sa Pampanga. Aniya, magahahain siya ng resolusyon upang atasan ang angkop na komite na mag-imbestiga sa kung paano nakapasok sa kanilang probinsya ang iligal na droga. Diin ni Gonzales nakakasama sa… Continue reading Pagkakasabat ng iligal na droga sa Pampanga, pinaiimbestigahan

Pilipinas, hindi naghahanap ng gulo ngunit matatag na dumidepensa sa teritoryo nito — Pangulong Marcos Jr.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na matatag ang posisyon ng Pilipinas na ipaglaban ang teritoryo, karapatan, at interes ng mga Pilipino. “Kaya sige hindi tayo naghahanap ng gulo, basta gagawin natin, patuloy nating ipagtatanggol ang Pilipinas, ang maritime territory ng Pilipinas, ang karapatan ng mga fishermen natin na mangisda doon sa mga… Continue reading Pilipinas, hindi naghahanap ng gulo ngunit matatag na dumidepensa sa teritoryo nito — Pangulong Marcos Jr.

Sunog sa isang industrial facility sa Valenzuela City, fire out na

10:15 ng umaga nang ideklarang ‘fire out’ ang sunog sa Barangay Canumay West sa Valenzuela City kung saan umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa isang construction materials facility. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa nangyaring sunog kung saan halos gawa sa light material ang istrujture ng naturang kumpanya. Umabot… Continue reading Sunog sa isang industrial facility sa Valenzuela City, fire out na

LTO, muling nagpaalala sa mga motorista na maging kalmado upang maiwasan ang road rage

Muling nanawagan ang Land Transportation Office na maging kalmado sa pagmamaneho upang maiwasan ang pakakaroon ng alitan sa kalsa o road rage. Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ginawa niya ang naturang paalala dahil sa naitatalang mga road rage kamakailan. Dagdag pa ni Mendoza, hindi kailanman makakatulong ang init ng ulo sa… Continue reading LTO, muling nagpaalala sa mga motorista na maging kalmado upang maiwasan ang road rage

DICT, nangakong tutulong sa pag-iimbestiga at pag-restore ng website ng Philhealth matapos ang nangyaring cyber attack

Nangako ang Department of Information and Communications Technology na tutulong sa imbestigasyon at sa pagre-restore ng website matapos atakihin ng Medusa ransomware ang kanilang webpage. Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, tutulong na sila sa imbestigasyon sa nangyaring cyber attacks sa Philhealth upang maayos na ang kanilang data servers at hindi na lumawak pa… Continue reading DICT, nangakong tutulong sa pag-iimbestiga at pag-restore ng website ng Philhealth matapos ang nangyaring cyber attack