Pinasisigla pa ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) ang kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay QCMJD City Warden Jail Supt Michelle Ng Bonto, isinasagawa ang kampanya ng mga jail personnel sa pamamagitan ng information drive.
Namamahagi ang mga ito ng reading materials/ flyers sa mga pamilya ng Persons Deprived of Liberty sa Bernardo Park at sa mga dumadaan sa EDSA, Quezon City.
Ang aktibidad ay naglalayong patuloy na suportahan ang whole-of-nation approach ng national government tungo sa kapayapaan at kaunlaran.
Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay isang task force na inorganisa ng gobyerno ng Pilipinas upang tumugon at magbigay ng kamalayan sa patuloy na rebelyon ng komunista sa Pilipinas.
Bukod dito, kabilang din sa kanilang ikinakampanya ang Anti-Smoking Campaign, Anti-Drugs Campaign, BJMP Recruitment at ang E-Sumbong Mo Kay RD. | ulat ni Rey Ferrer