DSWD, bumili ng mga sasakyan para palakasin ang Oplan Pag-Abot program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumili ng bagong fleet ng mga sasakyan ang Department of Social Welfare and Development para gamitin sa kanilang kampanyang Oplan Pag-Abot sa Metro Manila at iba pang national urban centers sa bansa.

Sinabi ni Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na ang pagkuha ng 12 brand-new vehicles ay para mapalakas at mapalawak ang reach-out operations sa mga indibidwal at pamilya sa mga lansangan.

Gagamitin ito ng Oplan Pag-Abot team sa itinalagang apat na cluster o ruta sa 16 na lungsod sa National Capital Region, simula ngayong Setyembre.

Mula nang ipinatupad ang Oplan Pag abot noong Hulyo, humigit-kumulang 28 street children, 174 na matatanda at 47 pamilya o 142 indibidwal ang na-rescue sa mga lungsod ng Pasay, Caloocan, Taguig, Paranaque, Manila at Quezon.

Sila ay dinala sa DSWD at local government-run centers at care facilities para may pansamantalang matirhan at mabigyan ng kaukulang pamamagitan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us