Muling aarangkada ang “Lab for All” Makabagong San Juan Barangay Caravan sa Lungsod ng San Juan bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bukas.
Hinikayat ng San Juan City Local Government ang mga residente na makiisa at dumalo sa naturang caravan.
Tampok dito ang iba’t ibang libreng serbisyo para sa mga San Juaneño gaya ng bakuna para sa mga bata, bunot ng ngipin, gamot, COVID-19 booster shot, human papillomavirus vaccine, at flu vaccine.
Magkakaroon din ng PNP Women’s desk at police clearance application assistance, libreng legal assistance, marriage at family planning counseling.
Maghahandog din ng feeding program, on-site tax payments, libreng gupit ng buhok pati na ang pamamahagi ng San Juan City health card at solo parent ID application assistance.
Maaari rin mag-apply dito ang mga taga-San Juan ng tulong pinansyal gayundin ng medical at burial assistance, pagpaparehistro para sa PWD at senior citizen ID at iba pa.
Isasagawa ang “Lab for All” Makabagong San Juan Barangay Caravan bukas, September 13 sa Barangay Batis Multipurpose Building sa F. Manalo mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon. | ulat ni Diane Lear