Mahigit 1,500 na kandidato para sa BSKE 2023, nakiisa sa ginanap na unity walk at peace covenant signing sa bayan ng Lingayen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 1,580 na mga kandidato sa nalalapit na Halalang Pambarangay ang lumahok at nakiisa sa Mass Unity Walk, Peace Covenant Signing at Candidates Briefing na ginanap sa bayan ng Lingayen ngayong araw, September 20.

Nagmula ang mga kandidatong dumalo sa aktibidad sa 32 barangay ng nabanggit na bayan na nagpakita ng kanilang pagnanais na magkaroon ng mapayapa at ligtas na eleksyon pagsapit ng buwan ng Oktubre.

Samantala, bilang bahagi rin ng mga hakbang sa pagsusulong ng payapang Halalang Pambarangay, aktibong lumahok ang hanay ng PNP sa programa kung saan dumalo ang ilang opisyal mula sa Pangasinan Police Provincial Office sa pangunguna ni Deputy Provincial Direfor for Administration (DPDA) PLTCOL. Ricky Camisola at Lingayen Municipal Police Station sa pangunguna naman ni PLTCOL. Roderick Gonzales.

Kasama rin sa mga dumalo sina Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, Lingayen Election Officer Reina Corazon Ferrer, Revenue Collection Officer Janice A Beltran, Municipal Local Government Operations Officer Gabriel Cornel at mga miyembro ng Pastoral Council for a Responsible Voting (PPCRV) sa pangunguna ng kanilang kinatawan na si Aida Lomibao.

Layunin ng ginawang Unity Walk at Peace Covenant Signing na mapagsama-sama ang mga kandidato sa mga Barangay para sa maayos, mapayapa, patas at tapat na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023. | ulat ni Ruel de Guzman | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us