Ready to go na ang mga aktibidad sa Maynila para sa ika-38 International Coastal Cleanup o ICC.
Isasagawa ito bukas, September 16 sa mga tukoy na clean-up sites gaya ng Baywalk Roxas Boulevard, Baseco Beach, at iba’t ibang estero sa Maynila.
Inaasahang pangungunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna, at ng Department of Public Services ng Manila City ang aktibidad sa Baseco.
Ang tema ngayong taon ay “Clean Seas for Health Fisheries.”
Layon ng ICC na magkaisa ang lahat sa paglilinis at pagkolekta ng mga basura mula sa mga dagat, baybayin, estero at daluyan ng tubig at iba pa.
Hinihimok naman ang mga Manileño at iba pa na makibahagi sa malawakang paglilinis.
Ang mga sasali at volunteers ay pinapayuhan na magsuot ng kumportableng damit, at magdala ng tongs o trash picker, pati ng sako at gloves. | ulat ni Lorenz Tanjoco