Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga foreign investor ang bansa bilang isang “large market”.
Bahagi ito ng nagpapatuloy na pangungumbinsi ng Punong Ehekutibo sa mga dayuhang mamumuhunan sa Singapore na maglagak ng investment sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na kasabay ng paglago ng bilang ng mga Pilipino ay sumusunod na ang lumalaking domestic demand at pagtaas ng fixed capital investment.
Ang resulta ayon kay Pangulong Marcos Jr. ay masiglang “domestic activity” at lumalakas na “business confidence”.
At katunayang isang malaking market ang Pilipinas, inihayag ng Chief Executive na nasa 110 milyong konsyumers mayroon ang bansa.
Mula aniya sa nabanggit na taas ng datos ng konsyumers ay malaking ambag ito para tumaas ang demand.
Idinagdag din ng Pangulo na may ipinasa nang regulatory reforms para panghikayat sa private investments. | ulat ni Alvin Baltazar