Tiniyak ng mga railway expert ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na patuloy na makikipagtulungan sa mga railway personnel ng bansa.
Ito ay upang mas mapahusay ang rail transport system sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay bumisita ang mga railway expert ng JICA sa Philippine National Railways (PNR) para obserbahan ang train operations, mga kagamitan, at pasilidad ng linya.
Ayon sa PNR, ang naturang pagbisita ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Philippine Railways Institute na layong magpalitan ng mga kaalaman at best practices sa pagitan ng dalawang institusyon.
Dagdag pa ng PNR, makatutulong din ang pagbisita ng JICA sa pagbuo ng bagong training materials para sa mga train personnel ng PNR upang mas mapabuti pa ang kanilang kakayahan at serbisyo para sa publiko.| ulat ni Diane Lear