Sen. Francis Tolentino, naniniwalang sinusubukan ng China na makaiwas sa coral harvesting isyu sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senador Francis Tolentino, sinusubukan ng China na makaiwas sa isyu ng paninira  nila ng bahura sa West Philippine Sea sa inilabas nilang ‘stop the political drama’ statement.

Pero giit ni Tolentino, malinaw hindi lang sa mga larawan kundi maging sa mga science-based proof ang pagkasirang idinulot ng mga Chinese milita vessels sa Escoda Shoal at Rozul Reef sa West Philippine Sea.

Aniya, bagamat totoong ang lahat ay kinakailangan pang mapatunayan ng konkretong ebidensya, ang mga initial findings naman ay nagpapakitang maaaring sangkot dito ang China.

Sinabi pa ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman na hindi maikakailang sila lang ang tanging bansa na interesado dito dahil ang Escoda Shoal ang nagsisilbing guard post patungo sa Ayungin Shoal.

Strategic locations rin aniya ang mga nabanggit na bahagi ng West Philippine Sea sa pagkakaroon ng gas at oil explorations.

Pinuntong muli ni Tolentino na kinakailangan pang maghain ng kaso ng Pilipinas para makapagdemand ng bayad-pinsala mula sa China.

Naniniwala ang senador na kung makapagpapakita ng conclusive proof sa global community tungkol sa panibago nilang aksyon na ito ay maaaring ito ang magtulak sa China na umayos na. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us