Nanawagan si Senator Imee Marcos sa National Food Authority (NFA) at sa ibang kinauukulan, na ubusin muna ang local agri products sa Pilipinas bago umangkat sa ibang bansa.
Ito ang naging pahayag ng super ate ng bansa, matapos mamahagi ito ng financial assistance sa bayan ng Pateros at Lungsod ng Taguig, ngayong araw.
Aniya, ito ay upang hindi masayang ang pinaghirapan ng ating magsasaka lalo na sa bigas, asukal at sibuyas, dahil sa susunod na linggo ay mag-aani na ang ilang mga probinsya sa bansa.
Dagdag pa ng senator, upang hindi na mag double-double ang magiging supply ng bigas sa bansa bagay na muli na namang dadami dahil mag-aanihan na. | ulat ni AJ Ignacio