24/7 operation ng City Epidemiology and Surveillance Unit sa Valenzuela, nilimitahan na lang sa walong oras -LGU

Simula bukas Oktubre 2, lilimitahan na ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (VCESU) ang kanilang operasyon. Sa abiso ng Valenzuela local government unit (LGU), magbibigay na lamang sila ng serbisyo sa publiko mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes. Ito ay mula sa dating 24 na oras na operasyon sa… Continue reading 24/7 operation ng City Epidemiology and Surveillance Unit sa Valenzuela, nilimitahan na lang sa walong oras -LGU

Mga Pilipino, patuloy na hinihimok ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo na umalis na sa bansang Sudan

Patuloy ang mariing pakikiusap ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo sa lahat ng Pilipinong naninirahan sa Sudan na agad na umalis sa nasabing bansa. Kasabay ito ng pagbubukas ng mga direct flight mula Port Sudan patungong Cairo. Ayon sa Embahada ng Pilipinas, para sa mga Pilipinong nais na lumikas, maaring pumunta sa Port Sudan. Pero… Continue reading Mga Pilipino, patuloy na hinihimok ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo na umalis na sa bansang Sudan

BFAR, sinigurong may suplay ng isda ngayong 4th Quarter

Siniguro ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may suplay ng isda ngayong buwan ng Oktubre hanggang sa Disyembre sa Ilocos Norte. Ito ay dahil sa patuloy na suporta sa fish farmers sa lalawigan sa pagbibigay ng fingerlings at fish cages. Ayon kay Vanessa Abegail Dagdagan ng BFAR sa Ilocos Norte, mayroong Tilapia-Shrimp… Continue reading BFAR, sinigurong may suplay ng isda ngayong 4th Quarter

Dinagat solon, nagpasalamat sa patuloy na suporta ni PBBM para sa pagbangon ng Dinagat Island

Malaki ang pasasalamat ni Dinagat Island Rep. Alan Ecleo sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na tutulungan ang Dinagat na bumangon. Nitong Biyernes nang pangunahan ng Pang. Marcos Jr. ang “Walang Gutom 2027” at pagpaaabot ng tulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa probinsya. Dito muling binigyang diin ng chief executive… Continue reading Dinagat solon, nagpasalamat sa patuloy na suporta ni PBBM para sa pagbangon ng Dinagat Island

Taal Volcano, nakitaan na lang ng manipis na volcanic smog kahapon -PHIVOLCS

Kalmado, malinis at maaliwalas ang kaanyuan ng Taal Volcano sa Taal Batangas ngayong umaga. Batay sa monitoring ng Phivolcs, nakitaan na lang ito ng manipis na volcanic smog o vog kahapon. Sa nakalipas na 24 oras, nagkaroon lamang ito ng tatlong volcanic earthquake kabilang ang 1 volcanic tremor na tumagal ng limang minuto. Kahapon, bumaba… Continue reading Taal Volcano, nakitaan na lang ng manipis na volcanic smog kahapon -PHIVOLCS

Operasyon kontra illegal fishing ikinasa sa Laguna de Bay

Bilang bahagi ng pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa katubigan at lawa ng Laguna de Bay, isang operasyon laban sa illegal fishing ang ikinasa ng Lake Management Office at PNP-Maritime Group. Sa nasabing operasyon, sinikap hulihin ng mga awtoridad ang mga mangingisdang nagsasagawa ng illegal at unauthorized fishing sa bahagi ng Laguna de Bay na nasa… Continue reading Operasyon kontra illegal fishing ikinasa sa Laguna de Bay

PNP, nangangailangan ng mahigit 6,000 bagong pulis

Inaprubahan na ng NAPOLCOM o National Police Commission ang pagrecruit ng mga bagong pulis. Ayon sa ulat, nangangailangan ngayon ang Philippine National Police ng karagdagang 6,501 na bagong pulis alinsunod sa quota sa ilalim ng PNP 2023 Recruitment Program. Sa hanay ng NCRPO, kailangan nito ng 2,101 na bagong pulis, 600 naman sa Provincial Regional… Continue reading PNP, nangangailangan ng mahigit 6,000 bagong pulis

DTI Chief, kinilala ang kahalagahan ng PPP sa pag-develop ng real estate at property sector sa bansa

Ipinanawagan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng public at private sector kaugnay sa pagtugon sa kakulangan ng pabahay sa bansa. Sa isinagawang Gala at Awards night ng Chamber of Real Estate and Builders’ Associations (CREBA) na ginanap sa Conrad, Manila, sinabi ng Kalihim… Continue reading DTI Chief, kinilala ang kahalagahan ng PPP sa pag-develop ng real estate at property sector sa bansa

Pilipinas, nagsimula nang mag-export ng fresh “hass” avocado sa Korea ayon sa DA

Sinimulan na ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ang pag-export ng Fresh ‘Hass’ Avocado sa bansang Korea. Isinagawa ang ceremonial send-off ng avocado fruits sa KTC Port Tibungco, Davao City kahapon, Setyembre 30, 2023. Setyembre 25, 2009, nang opisyal na ihayag ng Pilipinas sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry ang layunin nitong… Continue reading Pilipinas, nagsimula nang mag-export ng fresh “hass” avocado sa Korea ayon sa DA

7 lungsod sa Metro Manila, pasok sa Top 10 Highly Urbanized Cities sa buong bansa

Nasungkit ng pitong lungsod sa Metro Manila ang pwesto sa Top 10 Highly Urbanized Cities sa bansa sa pinakabagong Cities and Municipalities Competitiveness Index rankings na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI). Ayon sa tala, nakuha ng Lungsod Quezon ang Top 1 spot, na sinundan ng Pasay City at Manila City para sa… Continue reading 7 lungsod sa Metro Manila, pasok sa Top 10 Highly Urbanized Cities sa buong bansa