Presyo ng itlog sa Marikina City Public Market, bahagyang tumaas

Tumaas ng hanggang ₱30 ang kada tray ng itlog sa Marikina Public Market kumpara sa iba pang pamilihan na nasa ₱20 ang itinaas. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa nasabing pamilihan, ang small size na itlog ay nasa ₱210 na ang kada tray mula sa dating ₱180 na kada tray. Nasa ₱220 naman ang kada… Continue reading Presyo ng itlog sa Marikina City Public Market, bahagyang tumaas

Pangasinan, idineklara nang bird flu free ng Department of Agriculture

Kinumpirma ng inilabas na Memorandum Circular No. 46 series of 2023 na pinirmahan ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban ng Department of Agriculture (DA) na Avian Influenza Free (Bird Flu Free) na ang lalawigan ng Pangasinan. Batay sa inilabas na memo ng tanggapan ng DA, na base mga isinagawang pagsusuri na wala nang naitalang kaso ng… Continue reading Pangasinan, idineklara nang bird flu free ng Department of Agriculture

Panukala para mapag-aral ang adult 4Ps beneficiaries, pinatututukan sa Senado

Hiniling ng isang kongresista sa Senado na talakayin na rin ang panukala para mabigyan ng edukasyon ang adult beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, ang kagyat na pagsasabatas ng panukala ay makakatulong para tugunan ang bagsak na ‘learning poverty level’ ng bansa. Tinukoy ng mambabatas ang ulat ng… Continue reading Panukala para mapag-aral ang adult 4Ps beneficiaries, pinatututukan sa Senado

Mga kandidato sa BSKE, pinaalalahanan ng PNP sa pagkakabit ng poster sa maling lugar

Binalaan ng Philippine National Police ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa pagkakabit ng campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo, bawal na bawal ang pagkakabit ng campaign poster sa mga tanggapan ng gobyerno dahil nakasaad ito sa guidelines ng Commission… Continue reading Mga kandidato sa BSKE, pinaalalahanan ng PNP sa pagkakabit ng poster sa maling lugar

Isang bilyong pondo para sa Marawi compensation, mailalabas na sa susunod na linggo

Ikinalugod ni Basilan Representative Mujiv Hataman ang nakatakdang paglalabas ng pondo para sa Marawi compensation fund sa susunod na linggo. Bago tuluyang ipasa ng Kamara ang panukalang 2024 National budget, nakakuha ng commitment ang mambabatas mula sa Department of Budget and Management (DBM) na ilalabas na sa susunod na linggo ang ₱1-billion na budget para… Continue reading Isang bilyong pondo para sa Marawi compensation, mailalabas na sa susunod na linggo

Miss Universe PH 2023 Michelle Dee, inaasahang makukumpleto ang reservist training

Inaasahan ng Philippine Air Force (PAF) na makukumpleto ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang kanyang Reservist Training. Ito’y matapos na pagkalooban ng PAF ang Beauty Queen ng “Certificate of Attendance” sa paglahok sa ilang sesyon ng Basic Citizen Military Training (BCMT) sa kabila ng kanyang mabigat na skedyul sa paghahanda para sa beauty… Continue reading Miss Universe PH 2023 Michelle Dee, inaasahang makukumpleto ang reservist training

Bomb threat sa San Francisco High School, negatibo — QCPD

Kinumpirma ng Quezon City Police District na negatibo sa bomba ang San Francisco High School sa Bago Bantay, QC Kasunod ito ng bomb threat na bumulabog sa eskwelahan kaninang umaga at naging dahilan ng maagang pagpapauwi sa mga estuydnate at mga guro. Sa inilabas na report ng QCPD, sinabing nagmula ang bomb threat sa isang… Continue reading Bomb threat sa San Francisco High School, negatibo — QCPD

Residential area sa Brgy. Pansol, QC, nasunog

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Block 2-B, Kaingin 1, sa Brgy. Pansol, Quezon City ngayong Lunes ng umaga. Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog pasado alas-7 ng umaga at iniakyat sa unang alarma bandang alas-8:02 ng umaga. Naging pahirapan din sa mga bumbero ang pagresponde na pinagdugtong-dugtong… Continue reading Residential area sa Brgy. Pansol, QC, nasunog

Singapore based Pinay chef, pinabibigyang pagkilala ng Kamara matapos itanghal bilang Asia’s Best Female Chef

Pinagtibay ng House Special Committee on Creative Industries ang isang resolusyon upang kilalanin ang Pinay na itinanghal na Asia’s Best Female Chef sa Singapore. Ayon sa House Resolution 1300, iginawad ng Asia’s 50 Best Restaurants Academy sa Filipino Chef na si Johanne Siy, ang parangalan nitong Marso sa Singapore. Si Siy ay chef ng Lolla,… Continue reading Singapore based Pinay chef, pinabibigyang pagkilala ng Kamara matapos itanghal bilang Asia’s Best Female Chef

Kasadya sa Diyandi 2023, makulay na isinagawa sa lungsod ng Iligan

Makulay na isinagawa ang Kasadya sa Diyandi 2023: Street Dancing and Merry Making Competition noong ika-27 ng Setyembre, 2023. Isa ito sa mga pinaka-aabangan sa naganap na isang buwang pagdiriwang ng magarbong Diyandi Festival 2023 sa Iligan City. Ito ay upang ipakita sa madla ang makulay na kultura ng Tri-People o Kristiyano, Muslim, at Lumad… Continue reading Kasadya sa Diyandi 2023, makulay na isinagawa sa lungsod ng Iligan