DTI, suportado ang rekomendasyon na alisin na ang price cap sa bigas

Suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang rekomendasyon na alisin na ang price cap sa bigas. Sa panayam kay Trade Secretary Alfredo Pascual pagkatapos talakayin ng Senado ang panukalang 2024 budget ng ahensya, nakikita nilang sapat na ang suplay ng bigas sa bansa dahil nag-aani na ang ating mga lokal na mga magsasaka.… Continue reading DTI, suportado ang rekomendasyon na alisin na ang price cap sa bigas

Jeepney operators at drivers na maniningil na agad ng P1 dagdag-pasahe bago ang pagpapatupad nito, binalaan ng LTFRB

Pinaalalahanan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III ang mga jeepney operator at driver, na huwag agad-agad maningil ng P1 dagdag na pasahe. Itinakda ng LTFRB na magkabisa ang provisional fare increase sa Linggo pa ngayong Oktubre 8. Sinuman ang maningil ng dagdag-pasahe mula ngayon bago ang Linggo ay posibleng… Continue reading Jeepney operators at drivers na maniningil na agad ng P1 dagdag-pasahe bago ang pagpapatupad nito, binalaan ng LTFRB

Loan requirement para sa PUV modernization, dapat pasimplehin

Nanawagan ang isang kongresista sa mga bangko na nagpapautang para sa PUV modernization, na pasimplehin ang proseso para sa mga transport cooperatives. Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, dapat ay i-streamline na ang Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at iba pang government financial institutions ang loan requirements… Continue reading Loan requirement para sa PUV modernization, dapat pasimplehin

Magulang ng batang nasawi sa pananampal ng guro sa Antipolo, dumaraing matapos pagpasa-pasahan ang labi ng anak

Dumaraing ang mga magulang ng batang biktima dahil sa tila panggigipit naman sa kanila ng punerarya kung saan naroon ang labi ng binatilyong biktima. Ayon sa Ina ng biktima na si Aling Elana, sinisingil sila ng San Pedro Calungsod Funeral Services ng P42,000 para sa pagpoproseso sa labi ng kanilang anak. Laking gulat na lamang… Continue reading Magulang ng batang nasawi sa pananampal ng guro sa Antipolo, dumaraing matapos pagpasa-pasahan ang labi ng anak

Senate inquiry tungkol sa pamamaslang sa isang Pinay OFW sa Saudi Arabia, itinutulak ni Sen. Hontiveros

Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros na magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa pagkamatay ng isa na namang Pilipinang domestic helper sa Saudi Arabia. Inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution 817 para masiyasat sa Senado ang pamamaslang sa 32 anyos na Pinay na si Marjorette Garcia na natagpuang patay na may saksak sa katawan. Isinusulong ng… Continue reading Senate inquiry tungkol sa pamamaslang sa isang Pinay OFW sa Saudi Arabia, itinutulak ni Sen. Hontiveros

DTI, hiniling sa Senado na mapondohan ang AI research center na plano ng ahensya

Inilapit ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado ang ilan sa kanilang mga programa na hindi nabigyan ng alokasyong pondo sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP). Sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng DTI para sa susunod na taon, kabilang sa mga tinukoy ng ahensya na hindi napondohan ay ang… Continue reading DTI, hiniling sa Senado na mapondohan ang AI research center na plano ng ahensya

Pisong dagdag singil sa pasahe, tanggap ng Jeepney Transport groups

Kuntento ang grupo ng Pasang Masda Jeepney Transport sa ibinigay na Php1 provisional increase ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mga PUJs. Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, malaking tulong na sa kanilang hanay ang piso na dagdag pasahe upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo. Sapat… Continue reading Pisong dagdag singil sa pasahe, tanggap ng Jeepney Transport groups

Guro na nanampal ng Grade 5 student sa Antipolo City, naghain ng indefinite leave of absence

Kinumpirma ng principal ng Peñafrancia Elementary School sa Cupang, Mayamot, Antipolo City na si Dr. Marilyn Rodriguez na naghain ngayong araw ng leave of absence ang guro na si Mrs. Marisol Sison. Sa panayam ng media kay Rodriguez, indefinite leave ang inilagay sa leave form na pirmado at isinumite ni Sison sa paaralan kaninang umaga.… Continue reading Guro na nanampal ng Grade 5 student sa Antipolo City, naghain ng indefinite leave of absence

10-wheeler truck, naaksidente sa Ortigas Avenue-Junction; kahon-kahong mga beer, nagkalat sa kalsada

Mabigat na trapiko nararanasan sa may bahagi ng Ortigas Avenue Extension- Junction tapat ng Villarica Pawnshop, direksyon na papunta sa Antipolo City. Ito ay matapos maaksidente ang isang 10-wheeler truck at nagkalat sa kalsada ang mga case ng beer. Bandang alas-4:30 ng hapon nangyari ang aksidente. Kasalukuyan namang inaayos na ng mga tuanan ng Cainta… Continue reading 10-wheeler truck, naaksidente sa Ortigas Avenue-Junction; kahon-kahong mga beer, nagkalat sa kalsada

DSWD, tinulungan ang pamilya ng namayapang 5th grader na sinampal umano ng guro

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ni Francis Jay Gumikib, ang Grade 5 student mula sa Antipolo City na namatay dahil sa umanoy pananampal ng kanyang guro. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, nagpaabot na ng tulong pinansiyal ang DSWD Field Office 4A sa naulilang pamilya para… Continue reading DSWD, tinulungan ang pamilya ng namayapang 5th grader na sinampal umano ng guro