Autopsy report kaugnay sa pagkamatay ni Francis Jay Gumikib, natapos na ng PNP Forensic Group

Intracerebral Hemorrhage Edema dulot ng pagputok ng ugat at pamamaga ng utak. Ito ang lumabas sa inisyal na pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group kasunod ng isinagawang autopsy sa labi ni Francis Jay Gumikib. Si Francis Jay ang 15 taong gulang na estudyante ng Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City, na nasawi ilang… Continue reading Autopsy report kaugnay sa pagkamatay ni Francis Jay Gumikib, natapos na ng PNP Forensic Group

Mega Jobs Fair sa San Juan City, dinagsa

Dinagsa ng mga San Juaneño ang isinagawang Mega Jobs Fair ngayong araw sa Greenhills mall sa Lungsod ng San Juan. Kabilang sa mga pumila ay ang mga bagong graduate gayundin ang mga dati nang may trabaho subalit naghahanap ng bagong oportunidad. Nabatid na nasa mahigit 60 mga kumpanya mula sa Greenhills mall at ilang partner… Continue reading Mega Jobs Fair sa San Juan City, dinagsa

Mas maingat na alokasyon ng confidential funds, gagawin na rin sa mga susunod na budget

Positibo si Appropriations Senior Vice-Chair Stella Quimbo na magiging mas malinaw na ang panuntunan sa paglalaan ng confidential funds sa mga ahensya ng gobyerno sa mga susunod na budget. Ito ay kasunod ng ginawang paglilipat ng confidential fund (CF) ng ilang ahensya, na wala namang kinalaman sa surveillance at intelligence gathering patungo sa mga tanggapan… Continue reading Mas maingat na alokasyon ng confidential funds, gagawin na rin sa mga susunod na budget

Bilang ng mga PIlipino sa Gaza na nais nang umuwi ng bansa, nadagdagan pa; AFP, pinaghahandaan na ang pagpapauwi sa mga ito

Umakyat na sa 70 ang bilang ng mga Pilipino sa Gaza na nais nang magpa-repatriate sa bansa, kasunod ng ginawang pag-atake ng Palestinian militant group, na Hamas sa Israel. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar, na mayroon na silang tinukoy na magsisilbing pansamantalang safe haven na kung saan dadalhin… Continue reading Bilang ng mga PIlipino sa Gaza na nais nang umuwi ng bansa, nadagdagan pa; AFP, pinaghahandaan na ang pagpapauwi sa mga ito

Transportation Secretary Bautista, itinanggi ang alegasyong sangkot siya sa umano’y katiwalian sa implementasyon ng PUVMP

Itinanggi ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang alegasyon na sangkot siya sa umano’y korapsyon sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Sa isang video message, sinabi ni Bautista na walang basehan ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya na siya ay sangkot sa katiwalian. Ayon kay Bautista, wala siyang tinatanggap na pera o… Continue reading Transportation Secretary Bautista, itinanggi ang alegasyong sangkot siya sa umano’y katiwalian sa implementasyon ng PUVMP

7 pulis Cavite na nangransak sa bahay ng isang professor sa Imus, inirekomendang sibakin sa serbisyo

Tuluyan nang sisibakin sa serbisyo ang pitong Cavite City Police na sangkot sa umano’y pangraransak sa bahay ng isang retiradong professor sa Imus Cavite. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, kanina lamang napirmahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda ang dismissal order ng naturang mga pulis.… Continue reading 7 pulis Cavite na nangransak sa bahay ng isang professor sa Imus, inirekomendang sibakin sa serbisyo

Kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, nananatiling top-priority ng pamahalaan – House Speaker Romualdez

Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa pagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Pilipino dahil sa nagpapatuloy na gulo sa southern region ng Israel. Aniya, ang pagkawala ng buhay ng dalawa nating kababayan ay malagim na paalala sa kung ano ang epekto ng karahasan sa buhay ng mga inosente. Panawagan ng House Leader sa combatants, na… Continue reading Kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, nananatiling top-priority ng pamahalaan – House Speaker Romualdez

Housing units na ibibigay sa informal settlers na apektado ng PNR South Long Haul project, hindi drawing- DHSUD Usec. De Guzman

Binigyang diin ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Usec. Garry De Guzman na hindi drawing kundi totoo at magandang housing units ang ibibigay ng pamahalaan sa informal settlers na naaapektuhan ng PNR South Long Haul Project sa Laguna at Quezon. Ito ang naging pahayag ng opisyal sa groundbreaking ceremony ng segment 3… Continue reading Housing units na ibibigay sa informal settlers na apektado ng PNR South Long Haul project, hindi drawing- DHSUD Usec. De Guzman

PH at US Navy, nagsagawa ng Gunnery at Air Defense Exercise

Nagsagawa ang Philippine Navy at US Navy ng Gunnery (GUNNEX) at Air Defense exercise (ADEX) sa ika-apat na araw ng “Sea phase” ng SAMASAMA 2023 Bilateral Exercise sa pagitan ng dalawang pwersa. Sa GUNNEX ay ginamit ng BRP Antonio Luna (FF151) ang kanyang Aselsan SMASH 30mm gun at .50cal guns; habang ang USS Dewey (DDG105)… Continue reading PH at US Navy, nagsagawa ng Gunnery at Air Defense Exercise

May-ari ng motorsiklong inireklamo ng public disturbance sa Pasig, ipinatawag ng LTO

Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari ng motorsiklong inireklamo ng public disturbance sa Pasig City. Sa naturang kautusan na pirmado ni LTO-National Capital Region Regional Director Roque Verzosa III, pinagpapaliwanag ng registered owner ng motor kung bakit hindi ito dapat na managot sa patong-patong na traffic… Continue reading May-ari ng motorsiklong inireklamo ng public disturbance sa Pasig, ipinatawag ng LTO