DMW, naghahanda na ng mga hakbang kasunod ng pagtataas ng Alert Level 3 sa Gaza Strip

Inihahanda na ng Department of Migrant Workers o DMW ang mga gagawin nitong hakbang para sagipin ang mga Pilipinong naipit sa gulo sa Israel at Gaza Strip. Katunayan, isang pulong balitaan ang ipinatawag ng DMW ngayong hapon na pangunguahan ni DMW Officer-In-Charge, USec. Hans Leo Cacdac. Una rito, kinumpirma ni Department of Foreign Affairs –… Continue reading DMW, naghahanda na ng mga hakbang kasunod ng pagtataas ng Alert Level 3 sa Gaza Strip

Hemodialysis Center ng Mindanao Central Sanitarium sa Zamboanga City, pinasinayaan na ng DOH

Pinasinayaan na ng Department of Health ang makabago at modernong Hemodialysis Center ng Mindanao Central Sanitarium sa Zamboanga City. Layon nito na tulungan ang mga taga-Zamboanga at karatig lalawigan na mabigyan ng serbisyo na may kinalaman sa kalusugan. Sa pangunguna nina Mindanao Undersecretary and Visayas Officer-in-Charge Abdullah Dumama Jr., Management Services Team Assistant Secretary Leonita… Continue reading Hemodialysis Center ng Mindanao Central Sanitarium sa Zamboanga City, pinasinayaan na ng DOH

Embahada ng Pilipinas sa Israel, nangako sa mga pamilya ng 2 nasawi ng agarang pag-uwi ng mga labi

Nangako ang embahada ng Pilipinas sa Israel sa mga pamilya ng nasawing OFWs sa Israel na tutulong sila sa agarang pag-uwi ng mga labi nito sa Pilipinas at pagsiguro na makatatangap ng tulong pinansyal sa national government. Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa Israeli government upang agarang ma-retrieve… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Israel, nangako sa mga pamilya ng 2 nasawi ng agarang pag-uwi ng mga labi

PNP, iimbestigahan ang umano’y pag-escort ng mga pulis sa POGO operator

Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine National Police o PNP ang impormasyon na ilang tauhan umano ng Highway Patrol Group ang nagsisilbing escort ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Ayon kay PNP Public Information Office o PIO Chief, P/Col. Jean Fajardo, maaaring patawan ng paglabag sa Memorandum Circular 2016-002 ang sinumang pulis na mapatutunayang sangkot… Continue reading PNP, iimbestigahan ang umano’y pag-escort ng mga pulis sa POGO operator

Dalawang wanted na pulis, inaresto ng IMEG

Inaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang dalawang wanted na pulis sa magkahiwalay na operasyon sa Tuguegarao at lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni IMEG Director Police Brig. General Warren de Leon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ngayong Huwebes, kinilala ang mga arestadong pulis na sina Pat. Adrian France… Continue reading Dalawang wanted na pulis, inaresto ng IMEG

DICT at NPC, kinalampag ni Sen. Sherwin Gatchalian kasunod ng data breach sa PSA

Umapela si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Privacy Commission (NPC) na agad na tukuyin ang mga responsable sa hacking na nangyari sa Philippine Statistics Authority at nakakompromiso ng kanilang Community-Based Monitoring System (CBMS). Ayon kay Gatchalian, ang data breach na ito ay labis na nakakaalarma at nangangailangan… Continue reading DICT at NPC, kinalampag ni Sen. Sherwin Gatchalian kasunod ng data breach sa PSA

Pagbabayad ng Philhealth ng claims sa mga pampubliko at pribadong ospital, apektado ng cyber attack

Hindi pa makumpirma ng mga public at private hospital kung nabayaran na ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang nasa ₱19 bilyon na claims dahil sa nangyaring cyber attack sa sistema ng ahensya. Ito ang lumabas sa naging pagdinig ng Senate Sub-Committee on Finance na pinamumunuan ni Senadora Pia Cayetano. Sa pagdinig, sinabi ni PhilHealth… Continue reading Pagbabayad ng Philhealth ng claims sa mga pampubliko at pribadong ospital, apektado ng cyber attack

DFA, itinaas na sa Alert Level 2 ang Israel; deployment ng bagong OFWs sa naturang bansa, suspendido

Itinaas na sa Alert Level 2 ang bansang Israel dahil sa tumitinding kaguluhan doon. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, ang naturang pagtaas ng alerto ay dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas group at dahil na rin sa patuloy na banta sa seguridad ng ating… Continue reading DFA, itinaas na sa Alert Level 2 ang Israel; deployment ng bagong OFWs sa naturang bansa, suspendido

Pro-Movers Transport Alliance, hindi sasali sa transport strike sa Lunes

Walang balak na magtigil pasada ang grupo ng mga transport operators at drivers ng Pro-modern Vehicles for Economic Response Stability o Pro-Movers Transport Alliance. Sa isinagawang pulong balitaan sa QC, sinabi ng grupo na hindi sila makikilahok sa isasagawang “transport strike” ng Manibela na anila ay layon lang na pahirapan ang riding public. Handa rin… Continue reading Pro-Movers Transport Alliance, hindi sasali sa transport strike sa Lunes

Pamilya ng isang nasawing OFW sa Gaza border, nahatiran na ng tulong ng DSWD

Nagpaabot na ng pakikisimpatiya at tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng isang nasawing Pinoy sa pag-atake ng militanteng Hamas sa Gaza border. Sa ulat ni DSWD Usec. for Operations Group Pinky Romualdez kay Sec. Rex Gatchalian, kinumpirma nitong bumisita na ang mga tauhan ng DSWD Field Office 3 (Central… Continue reading Pamilya ng isang nasawing OFW sa Gaza border, nahatiran na ng tulong ng DSWD