Price guide para sa “Noche Buena” products, isinasapinal na ng DTI

Umapela ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer na huwag munang magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto lalo na ngayong papalapit ang Pasko. Ito ang panawagan ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, sabay giit na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang matugunan ang suliranin ng mga ito… Continue reading Price guide para sa “Noche Buena” products, isinasapinal na ng DTI

Senador Bong Go, kumpiyansa sa integridad ni Pinoy Pole Vaulter EJ Obiena

Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher ‘Bong’ Go kay Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa gitna ng mga doping accusation laban sa atleta sa social media.  Bilang Chairperson ng Senate Committee on Sports, sinabi ni Go na lagi niyang susuportahan at poprotektahan ang integridad ng mga atletang Pilipino. Binigyang diin ni Go, na mabigat ang… Continue reading Senador Bong Go, kumpiyansa sa integridad ni Pinoy Pole Vaulter EJ Obiena

NAMFREL, pinaalalahanan ang mga kandidato para sa BSKE na panatilihin ang kredibilidad, integridad at dignidad

Pinayuhan ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) na kilatising maigi ang mga ihahalal na kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE). Ayon kay NAMFREL Spokesperson Eric Alvia, mainam na balikan ng publiko kung paano kumilos ang mga opisyal ng barangay na kumakandidato ngayon sa pagtugon nila noon sa pandemiya. Aniya, ang… Continue reading NAMFREL, pinaalalahanan ang mga kandidato para sa BSKE na panatilihin ang kredibilidad, integridad at dignidad

Mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE na nilipat ng pwesto, nadagdagan

Umabot na sa 2,956 ang mga pulis na inilipat ng pwesto dahil mayroon silang kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo na ito ay mula sa huling bilang na 2,800. Base aniya… Continue reading Mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE na nilipat ng pwesto, nadagdagan

LTFRB, naglabas ng listahan ng mga gasolinahan kung saan maaaring gamitin ang fuel subsidy

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inisyal na listahan ng mga gasolinahan kung saan maaaring magamit ang fuel subsidy ng pamahalaan. Batay sa anunsiyo, kabilang sa mga gasolinahan na ito ang: • Total Philippines Corp. • Phoenix Petroleum • Unioil Petroleum Philippines, Inc. • Seaoil Philippines, Inc. • Pilipinas Shell… Continue reading LTFRB, naglabas ng listahan ng mga gasolinahan kung saan maaaring gamitin ang fuel subsidy

DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa Christmas lights at decor sa isang furniture store sa Pasig City

Nag-ikot ang mga opisyal at tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isang furniture store/warehouse sa Pasig City, ngayong araw. Pinangunahan ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco kasama si Senate Deputy Majority Leader at Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chairman Mark Villar. Ayon kay ASec. Pacheco, bahagi ito ng kanilang… Continue reading DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa Christmas lights at decor sa isang furniture store sa Pasig City

Comelec at BARMM-MBHTE, lumagda ng kasunduan para sa BSKE 2023

Pinirmahan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec) at BARMM Ministry on Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) para sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Pinangunahan nina Comelec Chairperson Atty. George Erwin Garcia at MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang pagpirma ng kasunduan sa isang seremonya na… Continue reading Comelec at BARMM-MBHTE, lumagda ng kasunduan para sa BSKE 2023

OWWA at DMW, magkakaloob ng tig-₱50,000 na tulong-pinansyal sa mga na-repatriate na OFWs mula Israel

Nagkaloob ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) ng tig-₱50,000 na tulong-pinansyal sa unang batch na na-repatriate mula sa Israel kahapon. Nasa 16 na OFWs na unang na-repatriate ang makatatanggap ng nabanggit na halaga mula sa OWWA at DMW. Bukod sa naturang tulong-pinansyal ay may makukuha pa sila ng… Continue reading OWWA at DMW, magkakaloob ng tig-₱50,000 na tulong-pinansyal sa mga na-repatriate na OFWs mula Israel

7th Infantry Division, nagpadala na mga tropa mula sa Central Luzon para tumulong sa BSKE sa Mindanao

Idineploy ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang kanilang 72nd Division Reconnaissance Company sa Mindanao bilang pandagdag-pwersa sa 6th Infantry Division para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ang send-off ceremony sa 702nd Infantry (Defender) Brigade Headquarters sa Camp Tito Abat, Manaoag, Pangasinan kahapon ay pinangunahan ni 7ID Commander Major General Andrew D. Costelo.… Continue reading 7th Infantry Division, nagpadala na mga tropa mula sa Central Luzon para tumulong sa BSKE sa Mindanao

Dating LTFRB Executive Assistant na si jeff tumbado, humarap na sa nbi

Humarap na ngayong araw si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Assistant Jeff Tumbado sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City. Ito’y kaugnay sa imbestigasyon ng umano’y korupsyon sa LTFRB. Matatandaang hindi nakasipot sa unang araw ng pagdinig ng NBI Anti-Graft Division noong Oct. 16 si Tumbado. Kasama… Continue reading Dating LTFRB Executive Assistant na si jeff tumbado, humarap na sa nbi