PPCRV, takbuhan ng mga botanteng nalilito sa Bagong Silangan Elem. School

Dagsa na ang mga botante sa Bagong Silangan Elementary School na isa sa may pinakamalaking bilang ng botante sa QC ngayong 2023 Brgy at SK Elections.m Bagamat may mga locator map nang nakalatag, marami pa ring botante ang nalilito kaya naman pangunahing takbuhan ng mga ito ang voters assistance desk ng Parish Pastoral Council for… Continue reading PPCRV, takbuhan ng mga botanteng nalilito sa Bagong Silangan Elem. School

PNP Chief Gen. Acorda, nag-ikot sa ilang voting center sa QC

Nagsagawa ng inspeksyon si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. sa ilang eskwelahan sa QC na nagsisilbing polling centers ngayong BSKE. Mula sa command center ng PNP sa Camp Crame, tinungo ng PNP Chief ang Ponciano Bernardo High School sa Brgy. Bagong Lipunan kung saan din ito bumoto. Nag-inspeksyon din ang PNP Chief sa lagay… Continue reading PNP Chief Gen. Acorda, nag-ikot sa ilang voting center sa QC

BSKE 2023, tahimik na nairaos sa West Rembo Elementary School

Nananatiling mapayapa naman ang pagdaraos ng Barangay at SK Elections sa West Rembo Elementary School ngayong araw. Makasaysayan din ang halalan sa taong ito para sa naturang lugar dahil ito ang kauna-unahang halalan sa barangay sa ilalim ng pangangasiwa ng Lungsod ng Taguig. Ayon kay Ma’am Alma Adona, Principal ng West Rembo Elementary School, wala… Continue reading BSKE 2023, tahimik na nairaos sa West Rembo Elementary School

Pagtugis sa mga responsable sa pamamaril kaninang alas-6 ng umaga sa Maguindanao del Norte, ipinag-utos ni PNP Chief

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang agarang pagdakip sa mga suspek sa pamamaril kaninang alas-6 ng umaga sa Barangay Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, inulat ni Acorda na kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operations sa mga responsable sa… Continue reading Pagtugis sa mga responsable sa pamamaril kaninang alas-6 ng umaga sa Maguindanao del Norte, ipinag-utos ni PNP Chief

NEA, nakapagtala na ng higit 170 power interruptions sa pagtutok sa BSKE

Aabot na sa 179 power interruptions ang naitala ng Power Task Force Election 2023 ng National Electrification Administration. Ayon sa NEA, mula ito sa ulat ng 57 mula sa 91 electric cooperatives (ECs) na nakaranas ng interruption simula 7:00 P.M. kagabi hanggang kaninang 5:00 AM. Nagtagal ng halos isang oras ang mga naitalang power interruptions… Continue reading NEA, nakapagtala na ng higit 170 power interruptions sa pagtutok sa BSKE

DILG Sec. Abalos sa mga botante: Wag masilaw sa pera kapalit ng boto

Pinayuhan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos ang mga Pilipino na boboto ngayong araw para sa BSK Elections na huwag papadala sa pera kapalit ng kanilang boto. Ayon sa kalihim, napakahalaga na pag-isipang mabuti at piliin ang karapat-dapat na mahalal na opisyal ng barangay dahil ito ang mamumuno sa… Continue reading DILG Sec. Abalos sa mga botante: Wag masilaw sa pera kapalit ng boto

‘Vote buying’, patuloy na pinatututukan ni Pangulong Marcos Jr. sa gitna ng nagpapatuloy na Barangay at SK elections

Pinababantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulan ang patuloy na takbo ng isinasagawa pa ring halalan ngayong araw na ito. Sa panayam sa Punong Ehekutibo, sinabi nitong isa sa kaniyang pinatututukan ang talamak pa ring ‘vote buying’ na dapat mapigilan ng mga awtoridad. Ang utos ng Pangulo kaugnay nito’y, puntahan agad ng… Continue reading ‘Vote buying’, patuloy na pinatututukan ni Pangulong Marcos Jr. sa gitna ng nagpapatuloy na Barangay at SK elections

Mall voting para sa BSKE, nagsimula na rin sa SM North EDSA Skydome

Ongoing na rin ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections dito sa SM North EDSA Skydome na isa sa mga pilot area ng Comelec para sa mall voting. Di gaya ng sitwasyon sa ilang voting center, hindi gaanong dagsa ang mga botante dito na mula sa Brgy. Alicia. Sa bawat entrance, mayroong… Continue reading Mall voting para sa BSKE, nagsimula na rin sa SM North EDSA Skydome

39 na pulis, nagsisilbing Board of Election Inspectors sa Abra

Nagsisilbi ngayon ang 39 na pulis bilang mga miyembro ng Board of Election inspectors (BEI) sa ilang polling precincts sa lalawigan ng Abra. Ito’y matapos na umatras ang ilang mga guro dahil umano sa banta sa kanilang seguridad. Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.… Continue reading 39 na pulis, nagsisilbing Board of Election Inspectors sa Abra

Pagsisimula ng BSKE sa CEMBO Elementary School, naging maayos sa pangkalahatan

Aabot sa 18,392 mga botante ng Central Enlisted Men’s Barrio o CEMBO Elementary School ang nakilahok para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa taong ito. Ayon sa Principal ng CEMBO Elementary School na si G. Ryan de Luna, aabot sa 14,440 rito ang mga botante para sa barangay habang nasa 3,952 naman… Continue reading Pagsisimula ng BSKE sa CEMBO Elementary School, naging maayos sa pangkalahatan