Asawa ng tumatakbong Punong Barangay sa Davao City, nakatanggap ng pagbabanta mula sa di kilalang suspect

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ng pagbabanta ang asawa ng tumatakbong Punong Barangay sa Vicente Hizon, Davao City kaninang umaga, kasabay ng pagbubukas ng botohan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa report ng Davao City Police Office, inilahad dito na nakatanggap ng isang package ang asawa ni Punong Barangay aspirant Ralph Abella na si incumbent Second District Councilor Marissa Salvador-Abella bandang alas 7 kaninang umaga.

Nang buksan ito, tumambad ang duguan na tatlong piraso ng bulaklak na may isang bala ng 9mm kung saan may kasama itong sulat na nakasaad na kung gusto nitong mailigtas ang mga anak ng mag-asawa kinakailangan na itigil ni Abella ang pagsasampa ng kaso.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng Sasa Police Station kung saan at kanino nanggaling ang nasabing package.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us