DepEd at Go Negosyo, nagpulong para mga programang ilulunsad na makatutulong sa mga mag-aaral at guro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pulong ng Department of Education (DepEd) sa mga kinatawan ng Go Negosyo sa pangunguna ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion.

Layon ng naturang pulong na palakasin ang kooperasyon ng pampubliko at pribadong sektor para sa mga kabataan at guro.

Ayon kay VP Sara, kabilang sa mga natalakay ang mga potensyal na pagtutulungan ng DepEd at Go Negosyo, partikular na ang pagdadala ng “Mentoring Talk” ng Go Negosyo sa mga eskwelahan para mapakinabangan ng mga mag-aaral at guro.

Napag-usapan din ang suporta ng Go Negosyo sa pagrerepaso ng curriculum para sa Grades 11 at 12, lalo na sa mga asignaturang entrepreneurship. Napagkasunduan din ang hinggil sa tree planting initiatives at school gardens sa tulong ng pribadong sector.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan na ito, mas maraming oportunidad ang magbubukas para sa ating mga kabataan.

Tiniyak naman ni VP Sara na patuloy na makikipagtulungan para sa mga proyektong mag-aangat sa kaalaman at kasanayan ng bawat Pilipino. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us