Suportado ng Chinese-Filipino community ang posisyon ng Pilipinas kontra sa mga iligal na aktbidad ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Pahayag ito ni Defense Secretary Gibo Teodoro kasunod ng pinakahuling insidente ng pangha-harass ng China sa Philippine vessel.
Nagdulot ito ng pagpabangga ng Chinese vessel sa Philippine vessel na magasagawa sana ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng kalihim na maglalabas ng pahayag ang Chinoy Community kaugnay sa kanilang tindig sa usaping ito.
“I’d like to thank ang Chinoy community na nagpunta po sa atin kahapon at nag-pledge ng support against China sa pagtutol nila sa expansionist agenda ng China at pagkupkop sa South China Sea. And they told me na maglalabas po sila ng statement na sumusuporta sa posisyon po ng ating gobyerno kasi Filipino po sila at they feel na just as aggrieved as us with this egregious acts of China.” —Secretary Teodoro.| ulat ni Racquel Bayan