Positibo si National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na masaya pa rin ang Pasko ng mga Pilipino ngayong taon.
Sa Press Chat with the Media, sinabi ni Balisacan na bagaman mataas ang pinakahuling inflation at nagdulot ito ng pagkabahala sa pag-abot ng growth target ng bansa, naniniwala ang kalihim sa kakayahan ng bansa.
Paliwanag ni Balisacan, hindi lang ang Pilipinas ang may growth outlook downgrade kundi halos lahat ng bansa ay may economic slowdown.
Walang dapat aniya ikaiyak sa mataas na inflation dahil ang Pilipinas pa rin ang “best performing economies” sa Asia Pacific Region.
Aniya, ngayong holiday season, muling papasiglahin ang ekonomiya dahil marami sa atin ang magbabakasyon at mamimili ng regalo sa ating mga minamahal.
Diin ng NEDA chief, hindi sumusuko ang economic team sa hangarin na makamit ang itinakdang growth target.
Aniya, dapat pa ring maging masaya at ma-enjoy ng mga Pilipino ang Pasko dahil mas Ok na ngayon kumpara noong mga nakaraang taon na may global pandemic. | ulat ni Melany Valdoz Reyes