Mga bagong SK official, hinimok na ipatupad ang mga batas na nagsusulong para sa karapatan at kapakanan ng mga kabataan

Hinikayat ni House Committee on the Welfare of Children Chair Angelica Natasha Co ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan officials na ipatupad ang mga batas para makabenepisyo ang sektor ng mga kabataan. Aniya hindi lang mga paliga, pageant at talent show ang dapat na ilunsad na programa ng mga SK. Bagkus, dapat aniya sila… Continue reading Mga bagong SK official, hinimok na ipatupad ang mga batas na nagsusulong para sa karapatan at kapakanan ng mga kabataan

Mga ipinagbabawal na bagay, kinumpiska sa Pasig Catholic Cemetery

Marami-rami na rin ang bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pasig City Catholic Cemetery ngayong araw. Mahigpit ang latag ng seguridad kung saan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga matatalas na bagay, nakalalasing na inumin, maging ang mga sigarilyo at vape. Katunayan, hindi bababa sa 20 vape, isang lighter, at isang paleta… Continue reading Mga ipinagbabawal na bagay, kinumpiska sa Pasig Catholic Cemetery

Higit 100 ipinagbabawal na gamit, nakumpiska sa mga bumibisita sa La Loma Cemetery

Kasabay ng buhos ng mga dumadalaw sa La Loma Catholic Cemetery ay dumarami din ang bilang ng mga gamit na nakukumpiska sa entrada ng sementeryo. Katunayan, mayroon nang higit sa 100 na mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska sa mga bumibisita dito. Pinakamarami ang lighter at alcohol na maituturing na flammable materias, kinukumpiska rin ang… Continue reading Higit 100 ipinagbabawal na gamit, nakumpiska sa mga bumibisita sa La Loma Cemetery

Bicol solon, positibong maisasakatuparan ang PNR-Bicol kahit binitiwan ng Pilipinas ang China bilang ‘funding source’

Naniniwala si Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan na matutuloy pa rin ang pagbuhay sa PNR- Bicol Express rail line sa ilalim ng Marcos Jr. administration. Ito ay kahit pa inanunsyo na ng DOTr na binitawan na ng Pilipinas ang China bilang ‘funding source’ para sa ilang proyekto kasama ang Bicol Express, Subic-Clark Railway Project… Continue reading Bicol solon, positibong maisasakatuparan ang PNR-Bicol kahit binitiwan ng Pilipinas ang China bilang ‘funding source’

Mga bumibisita sa Bagbag Cemetery, dagsa na

Sa kabila ng mahinang ulan ay tuloy ang buhos ng mga bumibisita sa Bagbag Public Cemetery ngayong All Saints’ Day. As of 8am kanina ay nasa 1,846 na ang naitalang bilang ng mga bisita sa loob ng sementeryo. Sa tantya ng pamunuan ng sementeryo, posibleng pumalo sa 200,000 ang magtutungo sa Bagbag Cemetery ngayong Undas.… Continue reading Mga bumibisita sa Bagbag Cemetery, dagsa na

Philippine Army, nagsagawa ng candle lighting ceremony para sa Undas 2023

Nagsagawa ng “synchronized candle lighting ceremony” ang Philippine Army sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig para sa Undas 2023. Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Grave Services Unit (GSU) ng Army Support Command (ASCOM) at Headquarters and Headquarters Support Group (HHSG) kasama ang mga Girl Scout at Boy Scout ng… Continue reading Philippine Army, nagsagawa ng candle lighting ceremony para sa Undas 2023

Davao City PNP, naghahanda sa pagdalaw ni FPRRD at VP Sara sa Roman Catholic Cemetery ngayong Undas 2023

Naghahanda ngayon ang San Pedro Police Station sa ilalim ng Davao City Police Office para sa posibleng pagbisita nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte sa Roman Catholic Cemetery ngayong araw ng Undas 2023. Sa panayam kay San Pedro Police Station Commander Maj. Marvin Hugos na may karagdagang kawani na itatalaga sa… Continue reading Davao City PNP, naghahanda sa pagdalaw ni FPRRD at VP Sara sa Roman Catholic Cemetery ngayong Undas 2023

Mga bibisita sa Holy Cross Cemetery ngayong Undas, posibleng bumalik na sa pre-pandemic level

Inaasahan ng Novaliches Police na muling bumalik sa pre-pandemic level ang bilang ng mga indibidwal na magtutungo sa Holy Cross Cemetery sa Quezon City ngayong All Saints Day. Sa pag-iikot ni Novaliches Police station commander Lt. Col Jerry Castillo, kapansin-pansin na ang maraming pamilyang maagang bumisita sa sementeryo, As of 9am, umabot na sa 2,750… Continue reading Mga bibisita sa Holy Cross Cemetery ngayong Undas, posibleng bumalik na sa pre-pandemic level

Ilang maagang bumisita sa Novaliches Cemetery, inulan

Naabutan ng mahinang ulan ang ilang magkakamag-anak na bumisita ngayong umaga sa Novaliches Cemetery. Karamihan, may bitbit namang mga payong habang ang ilan ay nakikisilong muna. Sa ngayon, paisa-isa pa lang ang dating ng mga bumibisita sa Novaliches Cemetery. Sa tala nitong bisperas ng Undas, nasa 600 pa lang ang bumisita sa naturang sementeryo. Inaasahan… Continue reading Ilang maagang bumisita sa Novaliches Cemetery, inulan

Manila South Cemetery, unti-unti nang dumadagsa ang mga dadalaw ngayong Undas

Nagsisimula nang dumagsa ang mga dumadalaw sa Manila South Cemetery ngayong umaga. Ayon kay Manila South Cemetery Jonathan Garzo, hindi katulad dati na bente-kwatro-oras ang pagdalaw sa sementeryo ay nilimitahan na lamang sa 5am to 5pm upang maiwasan ang untoward incident sa loob ng sementeryo. Sa ngayon ay may 10 ipinagbabawal na gamit na ang… Continue reading Manila South Cemetery, unti-unti nang dumadagsa ang mga dadalaw ngayong Undas