Panukalang legislated wage hike para sa lahat ng mga manggagawa sa bansa, target mailatag sa Senate plenary bago mag-Pasko

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maipipresinta na sa plenaryo ng Senado ang panukalang legislated wage hike bago ang Christmas break ang Kongreso. Ayon kay Zubiri, tiniyak na ito sa kanya ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Jinggoy Estrada. Sinabi ng Senate leader, na ang panukalang ito ay maaaring maging Christmas gift… Continue reading Panukalang legislated wage hike para sa lahat ng mga manggagawa sa bansa, target mailatag sa Senate plenary bago mag-Pasko

US Embassy, pinuri ang mabilis na aksyon ng pamahalaan sa pagresolba sa pagpatay sa broadcaster

Malugod na tinanggap ng United States Embassy sa Manila ang mabilis na aksyon ng pamahalaan para maresolba ang pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon. Sa isang statement, tinukoy ng embahada ang mga hakbang na ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., at… Continue reading US Embassy, pinuri ang mabilis na aksyon ng pamahalaan sa pagresolba sa pagpatay sa broadcaster

House Speaker, ikinatuwa ang pagbagal sa inflation ng bansa; Patuloy na pagbabantay sa presyo at suplay ng pangunahing bilihin, tiniyak

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang naitalang pagbaba sa inflation rate ng bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 6.1 headline inflation noong Setyembre ay bumaba sa 4.9% ang inflation rate nitong Oktubre. “In a heartening update, the Philippine Statistics Authority has reported a welcome decline in inflation to 4.9 percent in… Continue reading House Speaker, ikinatuwa ang pagbagal sa inflation ng bansa; Patuloy na pagbabantay sa presyo at suplay ng pangunahing bilihin, tiniyak

Mga mangingisda na nasangkot sa maritime incident sa West Philippine Sea, pinagkalooban na ng tulong ng DSWD

Photo courtesy of DSWD

Nakatanggap na ng iba’t ibang klase ng tulong ang mga pamilya ng 14 na mangingisda na nasangkot sa maritime incident sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong Oktubre 2. Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Luzon Regional Director Venus Rebuldela, kabuuang P190,000 na halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng… Continue reading Mga mangingisda na nasangkot sa maritime incident sa West Philippine Sea, pinagkalooban na ng tulong ng DSWD

DOTr, tiniyak kay Japanese PM Kishida na may kakayahan ang Pilipinas na makapagsanay ng mga railway engineer at operator para sa railway projects ng bansa

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na may kakayahan ang Philippine Railways Institute (PRI) na makapagsanay ng mga kinakailangang tauhan para sa mga railway project ng Pilipinas. Sa isang pulong balitaan kasama si Prime Minister Kishida, inihayag ni Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, na sa kasalukuyan ang PRI… Continue reading DOTr, tiniyak kay Japanese PM Kishida na may kakayahan ang Pilipinas na makapagsanay ng mga railway engineer at operator para sa railway projects ng bansa

Bagong proklamang barangay kagawad, binaril at napatay sa Pasay

Subject ngayon ng manhunt operation ng Pasay City Police ang gunman na bumaril at nakapatay ng isang bagong proklamang barangay kagawad sa loob ng barangay hall sa Pasay City. Sa ulat ng Pasay City Police na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Marcelina Camacho, 58, dating barangay secretary na nanalo bilang barangay… Continue reading Bagong proklamang barangay kagawad, binaril at napatay sa Pasay

Pagdinig sa kahilingang P5 fare increase ng jeepney transport groups, ipinagpaliban ng LTFRB

Ipinagpaliban ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa petisyon na P5 fare increase na hiling ng ilang jeepney transport group. Wala pang itinakdang petsa ang LTFRB kung kailan ang susunod na pagdinig. Matatandaang naghain ng petisyon sa LTFRB para sa P 5 fare increase ang Pasang Masda, ACTO, at… Continue reading Pagdinig sa kahilingang P5 fare increase ng jeepney transport groups, ipinagpaliban ng LTFRB

Ika-anim na batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong hapon

Inaasahang darating sa Pilipinas ang ika-anim na batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) na naipit sa gulo sa Israel, ngayong hapon. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nakatakdang lumapag sa NAIA Terminal 3 mamayang alas-3:15 ng hapon ang Etihad Airways Flight EY 425 lulan ang 42 OFWs at isang sanggol. Sa kabuuan, nasa… Continue reading Ika-anim na batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong hapon

Sec. Teodoro at Gen. Brawner, dumalo sa pagbubukas ng “Belenismo sa Tarlac”

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang presentasyon ng “entry” ng AFP sa “Belenismo sa Tarlac” kahapon. Ang “Belenismo sa Tarlac” ay isang kumpetisyon at adbokasiya na isinasagawa taun-taon sa Tarlac na tinaguriang “Belen Capital” ng bansa. Tampok dito ang mga belen o display ng “nativity… Continue reading Sec. Teodoro at Gen. Brawner, dumalo sa pagbubukas ng “Belenismo sa Tarlac”

3 teroristang komunista, sumuko sa militar sa Sultan Kudarat

Sumuko sa mga tropa ng 37th Infantry Battalion ang tatlong teroristang komunista, sa Barangay Lebak, Kalamansig, Sultan Kudarat. Ang mga sumuko ay pinangunahan ni alyas Tata, commanding officer ng Dabu-Dabu Platoon, Revolutionary Hit Force, Far South Mindanao Region kasama ang dalawa niyang tauhan. Kasabay nilang isinuko ang dalawang 5.56 Elisco M16A1 rifle at isang 7.62mm… Continue reading 3 teroristang komunista, sumuko sa militar sa Sultan Kudarat