House Special Committee, nanindigan sa pagprotekta sa West Philippine Sea

Binigyang diin ni House Special Committee on West Philippine Sea Chair at Mandaluyong Rep. Neptali ‘Boyet’ Gonzales II na pursigido ang komite na protektahan ang interes ng bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea. Sa ikinasang pulong ng komite, sinabi ni Gonzales na seryosong usapin ang sunud-sunod na insidente ng panggigipit ng China… Continue reading House Special Committee, nanindigan sa pagprotekta sa West Philippine Sea

Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, suportado ang isinusulong na pagrepaso sa IMRAP para sa mga OFW

Nagkasa ng policy dialogue is OFW party-list Rep. Marissa Magsino kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Itoy’y patungkol sa kaniyang resolusyon na rebisahin ang Inter-Agency Medical Repatriation Assistance Program o IMRAP para sa mga OFW. Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga ahensyang nagpapatupad sa programa tulad ng Department of Health (DOH), Department… Continue reading Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, suportado ang isinusulong na pagrepaso sa IMRAP para sa mga OFW

DOTr, positibo na magiging malaki ang kapakinabangan ng “big ticket projects” sa pagsugpo ng traffic sa Metro Manila

Positibo ang Department of Transportation na malaki ang magiging kapakinabangan ng “big ticket projects” ng kanilang kagawaran sa pagsupo ng traffic sa Metro Manila. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, maiibsan ang mabigat na trapiko sa buong Maynila kapag natapos na ang mga proyektong pang-transportasyon dahil magiging mabilis na ang pagbiyahe ng publiko sa kani-kanilang… Continue reading DOTr, positibo na magiging malaki ang kapakinabangan ng “big ticket projects” sa pagsugpo ng traffic sa Metro Manila

BAN Toxics sa publiko: Maging mapanuri sa pagbili ng Christmas decorations

Ngayong nagsisimula na ang pre-holiday shopping ng ilan, nagbabala ang toxic watchdog group na BAN Toxics sa publiko na magdoble ingat sa pagpili ng mga bibilhing dekorasyon at palamuti sa Kapaskuhan. Ayon kay BAN Toxics campaigner Thony Dizon, dapat na maging mapanuri ang mga mamimili at tiyaking ang mga bibilhin ay may tamang label at… Continue reading BAN Toxics sa publiko: Maging mapanuri sa pagbili ng Christmas decorations

PNP Peacekeeping Contingent na dineploy sa BARMM, binigyang pagkilala ng PNP Chief

Binigyang pagkilala ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Peacekeeping Contingent na pinadala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para tumulong sa seguridad noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa flag-raising ceremony sa Camp Bagong Diwa Taguig, kahapon, pinuri ng PNP Chief ang matagumpay na misyon ng 298… Continue reading PNP Peacekeeping Contingent na dineploy sa BARMM, binigyang pagkilala ng PNP Chief

Inflation nitong Oktubre, bumagal sa 4.9% — PSA

Malaki ang ibinagal ng inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 4.9% ang inflation nitong nakaraang buwan, mas mababa sa 6.1% headline inflation noong Setyembre. Mas mababa pa ito sa forecast range ng Bangko… Continue reading Inflation nitong Oktubre, bumagal sa 4.9% — PSA

Bangsamoro Region, magsasagawa ng libreng legal consultation at counseling ng mga kababaihan sa Sulu

Pinaghahandan na ngayon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nalalapit na pagdaraos ng 18-day campaign to End Violence against Women mula sa ika-25 ng Nobyembre hanggang sa ika-12 ng Disyembre ngayong taon. Ito ayon kay Gerardo Concepcion, community secretary on rules ng Bangsamoro Transition Authority sa BARMM at Gender and Development (GAD)… Continue reading Bangsamoro Region, magsasagawa ng libreng legal consultation at counseling ng mga kababaihan sa Sulu

Ugong ng umano’y destabilisasyon sa administrasyon, walang mabuting idudulot sa bansa — solon

Bumuwelta ang isang administration lawmaker laban sa umano’y destabilization efforts laban sa administrasyong Marcos Jr. Ayon kay Cavite Representative Elpidio Barzaga, makakasama lamang ito sa ekonomiya ng bansa. “We cannot afford any political and economic instability. A plot to overthrow the administration won’t do us any good,” saad ng mambabatas. Punto nito, ang instability o… Continue reading Ugong ng umano’y destabilisasyon sa administrasyon, walang mabuting idudulot sa bansa — solon

QCPD, muling nagbabala sa ‘salisi’ modus sa mga nakaparadang sasakyan o motor

Muling nagpaalala ang Quezon City Police District (QCPD) sa publiko na magdoble ingat lalo’t talamak na naman ang mga masasamang loob na nasa likod ng mga “salisi” modus na target ang mga nakaparadang sasakyan o motorsiklo. Ayon kay QCPD OIC Police Colonel Melecio Buslig Jr., mula nitong Setyembre, ay may mga nabiktimang mga motorista na… Continue reading QCPD, muling nagbabala sa ‘salisi’ modus sa mga nakaparadang sasakyan o motor

MRT-3, pansamantalang nilimitahan ang operasyon ngayong umaga

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 kasunod ng ipinatupad na provisional service mula North Avenue Station patungong Shaw Boulevard Station kaninang umaga. Paliwanag ng MRT-3, nagkaroon ng obstruction sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft Stations na napaulat sa MRT-3 Control Center kaninang mag-aalas-7 ng umaga. Para sa kaligtasan ng mga pasahero, kinailangan… Continue reading MRT-3, pansamantalang nilimitahan ang operasyon ngayong umaga