American national, huli ng PDEA sa Cebu dahil sa pagtatanim ng marijuana

Huli ang isang American national matapos makuha ang mga tanim na marijuana sa tinutuluyan nitong condominium sa Juana Osmeña Extension, Brgy. Kamputhaw lungsod ng Cebu. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cebu Provincial Office at Cebu City Police Station 2 ang tinutuluyan ng subject na si… Continue reading American national, huli ng PDEA sa Cebu dahil sa pagtatanim ng marijuana

P7.2 bilyong halaga ng bigas, nasasayang kada taon — PhilRice

Tinatayang nasa P7.2 bilyong halaga ng kanin o bigas o 385,000 na metrikong tonelada ng bigas o kanin ang nasasayang kada taon sa Pilipinas. Ayon kay Dr. Hazel Antonio ng PhilRice ng Department of Agriculture (DA), nasa 2.5 million na Pilipino pa sana ang napapakain. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na karamihan… Continue reading P7.2 bilyong halaga ng bigas, nasasayang kada taon — PhilRice

Panibagong kaso ng police abuse, naitala sa hanay ng MPD; pamunuan nito, agad umaksyon

Hindi pa man narerekober ang dalawa sa siyam na tumakas na preso sa station 1 ng MPD, ay nahaharap nanaman ang ilang tauhan nito sa panibagong kontrobersya. Sibak sa puwesto ang opisyal at mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng MPD Station 14 sa Quiapo. Ito ayon kay MPD Chief Police Colonel Arnold Thomas… Continue reading Panibagong kaso ng police abuse, naitala sa hanay ng MPD; pamunuan nito, agad umaksyon

P2.1- na halaga ng marijuana, sinunog ng mga awtoridad sa La Union

Binunot at sinunog ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang P2.1 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang ‘eradication operation’ sa Sitio Nakawa, Barangay Lon-oy, San Gabriel, La Union noong Nobyembre 7, 2023. Ayon kay PDEA Region 1 Regional Director Joel B. Plaza, aabot sa halos 10,500 piraso ng marijuana seedlings at 8,500 piraso ng… Continue reading P2.1- na halaga ng marijuana, sinunog ng mga awtoridad sa La Union

Catch up plan para sa paggasta ng pamahalaan, dapat maikasa para sa tuloy-tuloy na pagganda ng ekonomiya

Tinukoy ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang government spending bilang key driver sa paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong 3rd quarter ng taon, na pumalo sa 5.9%. Aniya, nakapagtala ng 6.7 percent growth year-on-year ang government spending kumpara sa negative 7.1 percent noong nakaraang quarter. Dahil dito ay sumipa rin ang paglago… Continue reading Catch up plan para sa paggasta ng pamahalaan, dapat maikasa para sa tuloy-tuloy na pagganda ng ekonomiya

DepEd, ‘di na rin igigiit ang hiling nilang confidential fund para sa susunod na taon

Hindi na rin igigiit ng Department of Education (DepEd) ang hinihiling nilang P150 million na confidential fund para sa susunod na taon. Sa budget deliberation ng Senado, binasa ng sponsor ng panukalang 2024 budget ng DepEd na si Senator Pia Cayetano ang opisyal na pahayag ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte tungkol dito.… Continue reading DepEd, ‘di na rin igigiit ang hiling nilang confidential fund para sa susunod na taon

Pilipinas, kayang maabot ang 6% economic growth target ngayong taon – Speaker Romualdez

Positibo si Speaker Martin Romualdez na kayang makamit ng bansa ang minimum economic growth target nito na 6 percent sa pagtutulungan ng Administrasyong Marcos Jr. at pribadong sektor. Kasunod na rin ito ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.9% sa ikatlong quarter ng taon. Para naman mas… Continue reading Pilipinas, kayang maabot ang 6% economic growth target ngayong taon – Speaker Romualdez

Solusyon kontra flying voters, inilatag ng Cemelec

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko partikular ang mga may reklamo hinggil sa flying voters. Ayon kay Comelec Director Nick Mendros, may tamang hakbang at sapat na panuntunan ang Comelec para labanan ang mga flying voter. Paliwanag ng opisyal, sa registration period pa lamang ay dapat nakabantay na ang publiko sa mga magpaparehistro,… Continue reading Solusyon kontra flying voters, inilatag ng Cemelec

Globe, Security Bank, sanib-pwersa vs financial crimes

𝗚𝗟𝗢𝗕𝗘, 𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗕𝗔𝗡𝗞, 𝗦𝗔𝗡𝗜𝗕-𝗣𝗨𝗪𝗘𝗥𝗦𝗔 𝗩𝗦 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘𝗦 LUMAGDA ang nangungunang digital solutions platform Globe at ang top universal bank Security Bank sa isang Memorandum of Understanding na naglalayong palakasin pa ang cybersecurity initiatives para tugunan ang dumarami at lumalalang financial crimes sa bansa. Layon ng kasunduan na paigtimgin ang pinagsanib na kakayahan ng Globe at… Continue reading Globe, Security Bank, sanib-pwersa vs financial crimes

Bayan ng Jones at San Agustin, Isabela, inaasahang maidedeklarang insurgency-cleared na rin – AFP

Matapos ang mga bayan ng San Guillermo at Echague, inaasahang susunod nang maideklara bilang insurgency-cleared ang mga bayan ng Jones at San Agustin, na kabilang sa tinatawag na JESSA Complex sa lalawigan ng Isabela. Ang JESSA Complex ay binubuo ng mga bayan ng Jones, Echague, San Agustin, San Guillermo at Angadanan. Ayon kay 502nd Infantry… Continue reading Bayan ng Jones at San Agustin, Isabela, inaasahang maidedeklarang insurgency-cleared na rin – AFP