Piso one-way base fare, alok ng Cebu Pacific Airline, para sa piling local at int’l destination

Inanunsyo ng Cebu Pacific na simula November 8 hanggang November 11, 2023, maaaring mag-book ang mga manlalakbay para sa mga piling local at international destination sa halagang ₱1 one-way base fare na walang babayarang surcharge. Sa abiso ng Cebu Pacific magagamit ang ₱1 one-way base fare sa panahon ng paglalakbay mula April 1 hanggang October… Continue reading Piso one-way base fare, alok ng Cebu Pacific Airline, para sa piling local at int’l destination

DSWD, nagpaabot na ng tulong sa kaanak ng nasawing broadcaster sa Misamis Occidental

Naghatid na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naulilang pamilya ng pinaslang na radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon o mas kilala bilang ‘DJ Johnny Walker,’ SA DSWD Media Forum, kinumpirma ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na nagtungo na ang kanilang mga social worker sa pamilya… Continue reading DSWD, nagpaabot na ng tulong sa kaanak ng nasawing broadcaster sa Misamis Occidental

Panukalang pondo ng Office of the President, isinalang sa plenaryo ng Senado

Tinapos na ng Senado ang deliberasyon at debate sa plenaryo ng panukalang P10.6 bilyong pondo ng Office of the President at P812 milyon na panukalang pondo ng Presidential Management Staff para sa susunod na taon. Sa interpellation ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, sinabi nitong wala siyang isyu sa pagbibigay ng confidential funds sa OP… Continue reading Panukalang pondo ng Office of the President, isinalang sa plenaryo ng Senado

MMDA, nagsagawa ng operasyon laban sa mga hindi awtorisadong sasakyan na dumaraan sa EDSA Bus Carousel Lane

Pinaigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang kampanya laban sa mga pasaway na motorista na dumaraan sa EDSA Busway Lane kahit hindi awtorisado. Mula sa Quezon City, dumiretso ang mga tauhan ni MMDA Task Force Special Operations Head, Colonel Edison Bong Nebrija sa bahagi ng EDSA-Shaw sa Mandaluyong City. Sa darating na… Continue reading MMDA, nagsagawa ng operasyon laban sa mga hindi awtorisadong sasakyan na dumaraan sa EDSA Bus Carousel Lane

Bilang ng mga namamalimos sa lansangan sa Metro Manila, nababawasan na dahil sa ‘Oplan Pag-abot’ ng DSWD

Nakikita na ng Department of Social Welfare and Development na nagbubunga na ang ikinakasa nitong Oplan Pag-abot sa mga lansangan sa Metro Manila. Sa DSWD Forum, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na sa kanilang monitoring ay nabawasan na ang mga namamalimos ngayon sa NCR dahil sila ay naaabot na sa mga reach out operation… Continue reading Bilang ng mga namamalimos sa lansangan sa Metro Manila, nababawasan na dahil sa ‘Oplan Pag-abot’ ng DSWD

AFP Gender and Development Office, nagdiwang ng unang anibersaryo

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. General Arthur M. Cordura ang pagdiriwang ng unang anibersaryo ng AFP Gender and Development Office (AFPGADO) ngayong umaga sa Camp Aguinaldo. Sa kanyang mensahe, hinimok ni Lt. Gen. Cordura ang lahat ng tauhan ng AFP na maging kampeon ng Gender and Development… Continue reading AFP Gender and Development Office, nagdiwang ng unang anibersaryo

Senate Committee on Ethics, iimbestigahan ang sinasabing ‘leak’ sa naging caucus ng mga senador nitong Lunes

Magco-convene na ang Senate Committee on Ethics and Privileges para imbestigahan ang sinsabing pag-leak ng impomasyon sa mga napag-usapan sa ginawang all-senators caucus nitong Lunes, ika-6 ng Nobyembre. Ayon kay Committee Chairperson Sen. Nancy Binay, ito ay bilang pagsunod sa naging utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos umalma ang mga senador sa isang… Continue reading Senate Committee on Ethics, iimbestigahan ang sinasabing ‘leak’ sa naging caucus ng mga senador nitong Lunes

Muslim-friendly at Halal tourism, pinapaigting ngayon ng Department of Tourism

Pinagsusumikapan ng Department of Tourism o DOT na maging Muslim Friendly ang tourism industry sa bansa lalo maraming mga turista mula sa mga bansang Muslim ang nagtutungo at bumibisita sa Pilipinas. Pagbabahagi ni Usec. Myra Valderrosa Abubakar, maari nang mabisita ngayon ng mga turistang Muslim, mapa-lokal man o mula sa labas ng bansa ang kanilang… Continue reading Muslim-friendly at Halal tourism, pinapaigting ngayon ng Department of Tourism

Smuggled na agricultural products, nasabat sa port of Subic

Alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa mga smugglers, nasabat ng Subic Bay Metropolitan Authority katuwang ang Bureau of Customs ang 40-foot container trucks na naglalaman ng mga puslit na agricultural products. Ang naturang container trucks ay natagpuan sa port of subic. Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Jonathan Tan, ang siyam… Continue reading Smuggled na agricultural products, nasabat sa port of Subic

Pagsasanay ng Phil. Marines sa Estados Unidos, pinag-usapan ng US Marine Corps at Phil. Navy

Pinagusapan ng US marine Corps at Philippine Navy ang posibilidad ng pagpapadala ng mga tauhan ng Philippine Marine Corps sa Estados Unidos para sa “schooling”. Kabilang ito sa mga paksang tinalakay sa pagbista ng bagong Commanding General ng United States’ I (One) Marine Expeditionary Force o I MEF Maj. Gen. Bradford Gering sa Phil. Navy… Continue reading Pagsasanay ng Phil. Marines sa Estados Unidos, pinag-usapan ng US Marine Corps at Phil. Navy