Mababang kapulungan ng kongreso, malinis ang audit sa nakalipas na 6 na taon — COA

Binigyan ng Commission on Audit ang House of Representatives ng malinis na audit sa nakalipas na anim na taon. Base sa annual audit reports ng Kamara mula 2017 hanggang 2022 walang masamang natuklasan ang COA sa mga dokumento at transaksyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa pinakahuling audit sa Lower House idineklara ng COA na… Continue reading Mababang kapulungan ng kongreso, malinis ang audit sa nakalipas na 6 na taon — COA

Usapin sa digitalisasyon at AI, tampok sa Quezon City Future of Work Conference 2023

Pormal nang binuksan ang kauna-unahang Quezon City Future of Work Conference 2023 ngayong araw na layong itampok ang mga bagong inisyatibo sa workplace environment. Pinangunahan nina QC Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, DICT Sec. Ivan John Uy, Israeli Ambassador Ilan Fluss at BPLD Head Marge Santos ang pormal na pagbubukas ng dalawang araw… Continue reading Usapin sa digitalisasyon at AI, tampok sa Quezon City Future of Work Conference 2023

MMDA, malamig sa mungkahing iurong ang pagpapatupad ng Number Coding Scheme

Tinitimbang pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung mayroon nang pangangailangan na alisin ang window hours ng Unified Vehicle Volume Reduction Scheme o Number Coding. Ito’y dahil sa inaasahan nang bibigat ang daloy ng trapiko ngayong papalapit na ang Kapaskuhan. Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, kailangan nilang pag-aralang maigi ang sitwasyon… Continue reading MMDA, malamig sa mungkahing iurong ang pagpapatupad ng Number Coding Scheme

Pagsasailalim sa drug test ng mga elected barangay official hinihikayat sa Iloilo City

Mahigpit na hinihikayat ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga elected barangay official sa lungsod na sumailalim sa drug test bago sila umupo sa kanilang katungkulan. Bagamat hindi maaring pilitin at gawing mandatory ang  pagsasailalim sa drug test ng mga elected barangay officials  nanindigan si Treñas na importanteng sumailalim sila upang mapasiguro na walang… Continue reading Pagsasailalim sa drug test ng mga elected barangay official hinihikayat sa Iloilo City

Kamara, bumuo ng cybersecurity committee; computer shutdown policy, ipatutupad na rin

Upang masiguro ang seguridad ng website at iba pang online feature ng Kamara, ay isang Cybersecurity Committee ang binuo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Magsisilbing chairperson nito si House Secretary General Reginald Velasco at vice-chairperson naman si House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas. Kabilang naman sa miyembro nito ang tatlong deputy secretary general mula Legal Affairs, Finance,… Continue reading Kamara, bumuo ng cybersecurity committee; computer shutdown policy, ipatutupad na rin

Mga nakasaad sa revised IRR, naayon sa batas na naglalayon na patatagin ang corporate governance ng Maharlika Investment Fund-DoF

Buo ang suporta ng Department of Finance sa revised Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act. Ayon sa DoF, ang enhancement na isinagawa sa IRR ay lahat alinsunod sa naitakda ng batas na naglalayong patatagin ang corporate governance nito. Titiyakin ng IRR ang independence ng Board of Directors ng MIF na magkaroon ng… Continue reading Mga nakasaad sa revised IRR, naayon sa batas na naglalayon na patatagin ang corporate governance ng Maharlika Investment Fund-DoF

4 patay sa bangaan ng kotse at trak sa Olongapo kagabi

Patay ang apat na sakay ng isang kotse nang sumalpok sa kanilang sasakyan isang dumptruck sa Barangay New Cabalan, Olongapo City kagabi. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Renz Tiu; na driver ng kotse, Veronica Ng; Romnick Tiu; at isang alyas Balong. Base sa inisyal na imbestigasyon, papunta… Continue reading 4 patay sa bangaan ng kotse at trak sa Olongapo kagabi

Bilang ng mga di awtorisadong sasakyang dumaan sa EDSA Bus lane, pumalo na sa mahigit 150

Pumalo na sa 151 na mga pasaway na motoristang dumaan sa EDSA Busway ang hinuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon sa MMDA, mula ito sa tatlong lugar sa EDSA kung saan nakaposte ang kanilang mga tauhan katuwang ang PNP Highway Patrol Group at Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT). Partikular na… Continue reading Bilang ng mga di awtorisadong sasakyang dumaan sa EDSA Bus lane, pumalo na sa mahigit 150

Pagtatatag ng Dangerous Drug Court sa lahat ng siyudad, ipinapanukala sa Kamara

Itinutulak ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagtatatag ng a Dangerous Drugs Court sa lahat ng siyudad at probinsya sa buong bansa. Ito ay para mapabilis aniya ang paglilitis sa may 300,000 na drug cases na nakabinbin sa iba’t ibang korte. Tinukoy ng chairman of the House Committee on Dangerous Drugs, ang… Continue reading Pagtatatag ng Dangerous Drug Court sa lahat ng siyudad, ipinapanukala sa Kamara

DOH, PhilHealth, pinakikilos para tulungan ang mga umuwing OFW mula Gaza, West Bank, at Lebanon na maka-recover mula sa war trauma

Nanawagan si BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co sa Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magbigay ng libreng mental health service para sa mga umuwing Overseas Filipino Worker (OFW) mula Gaza, West Bank at Lebanon. Aniya, mahalaga na mabigyan sila ng counselling upang maka-recover mula sa posibleng trauma dulot ng… Continue reading DOH, PhilHealth, pinakikilos para tulungan ang mga umuwing OFW mula Gaza, West Bank, at Lebanon na maka-recover mula sa war trauma