Hibla ng buhok na nakuha sa pulang CRV, nag-match sa DNA ng magulang ng nawawalang beauty queen

Nag-match ang DNA sample mula sa magulang ng nawawalang beauty Queen na sa Catherine Camilon sa hibla ng buhok na nakuha sa pulang CRV na narekober ng mga pulis. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na pinapatunayan nito na sumakay ang biktima sa pulang CRV.… Continue reading Hibla ng buhok na nakuha sa pulang CRV, nag-match sa DNA ng magulang ng nawawalang beauty queen

Ilang Unibersidad sa Maynila, nagkansela na ng face-to-face classes matapos mag-anunsyo ng tigil-pasada ang grupong Manibela

Wala pang magaganap na face-to-face classes sa ilang Unibersidad sa Maynila matapos mag-anunsyo ng tatlong araw na tigil-pasada ang grupong Manibela. Sa abiso ng Adamson University, kanselado ang lahat ng face to face classes mula elementary hanggang kolehiyo. Mula pa noong Lunes, nagpatupad na ng online class ang Adamson dahil sa welga ng grupong Piston.… Continue reading Ilang Unibersidad sa Maynila, nagkansela na ng face-to-face classes matapos mag-anunsyo ng tigil-pasada ang grupong Manibela

Bilang ng mga Pinoy na nasa poverty line, bumaba sa ikatlong quarter ng 2023

Nabawasan pa ang bilang ng mga Pilipino na nagsabing hirap ang kanilang pamumuhay.  Ito ang inilabas na datos ng OCTA Research sa kanilang 3rd Quarter Survey, na ginawa mula September 30 hanggang October 4 ng taong ito.  Sa nasabing survey, bumaba sa 46% mula sa dating 50% ang poverty line ng Pilipinas.  Nasa 13% ang… Continue reading Bilang ng mga Pinoy na nasa poverty line, bumaba sa ikatlong quarter ng 2023

PNP, nagpasalamat sa mapayapang pagdaraos ng transport strike

Nagpasalamat si PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa mga nakilahok sa transport strike sa mapayapang pagdaraos ng kanilang kilos-protesta. Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong tanghali, sinabi ni Fajardo na sa araw na ito may na-monitor ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na humigit kumulang 100 indibidwal… Continue reading PNP, nagpasalamat sa mapayapang pagdaraos ng transport strike

Philippine Air Force Chief, lumahok sa Pacific Air Chief Symposium sa Hawaii

Lumahok si Philippine Air Force Chief Lt. General Stephen Parreño kasama ang kanyang mga katuwang mula sa 22 bansa sa isinagawang Pacific Air Chief Symposium (PACS) 2023 sa headquarters ng Pacific Air Forces sa Hawaii. Ang pagtitipon ng mga senior air force official mula sa Indo-Pacific, Europe, South America, at North America ay sa layong… Continue reading Philippine Air Force Chief, lumahok sa Pacific Air Chief Symposium sa Hawaii

Ikalawang araw ng transport strike, ‘di na gaanong ramdam sa mga kalsada sa Metro Manila — LTFRB

Balik-normal na ang sitwasyon sa mga kalsada sa Metro Manila kahit nagpatuloy ang strike ng PISTON ngayong araw. Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Pialago, kung ikukumpara kahapon ay mas marami nang pampasaherong jeepney ang pumasada ngayon kahit sa mga rutang sakop ng PISTON. Dahil dito, wala na aniya gaanong mga pasaherong na-stranded o natagalang makasakay.… Continue reading Ikalawang araw ng transport strike, ‘di na gaanong ramdam sa mga kalsada sa Metro Manila — LTFRB

Civilian Christmas Caravan sa Ayungin Shoal, hindi kailangan sa panahong ito — NSC

Maraming suplay ang mga tropa sa Ayungin Shoal sa pamamagitan ng regular na Rotation and Resupply (RoRe) Mission, kaya hindi kailangan sa panahong ito ang binabalak na civilian Christmas Carvan patungo sa lugar. Ito ang inihayag ni National Security Council (NSC) Spokesperson, Assistant Director General Jonathan Malaya kaugnay ng plano ng pribadong koalisyong “Atin ito”,… Continue reading Civilian Christmas Caravan sa Ayungin Shoal, hindi kailangan sa panahong ito — NSC

Voucher program para sa mga mag-aaral sa pribadong mga eskuwelahan, pasado na sa komite sa Kamara

Pinagtibay ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala na magtatatag ng Private Basic Education Voucher Program. Aamyendahan nito ang ilang probisyon ng Expanded Government Assistance to Students and Teachers In Private Education Act o E-GASTPE. Sa ilalim ng panukala, magbibigay ng voucher ang pamahalaan sa mga private basic education schools na kinikilala… Continue reading Voucher program para sa mga mag-aaral sa pribadong mga eskuwelahan, pasado na sa komite sa Kamara

Security agencies, papanagutin ng PNP-SOSIA sa kapabayaan sa seguridad sa mga terminal ng bus

Papanagutin ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga security agency na matuklasang nagkaroon ng pagkukulang sa pagpapatupad ng seguridad sa mga terminal ng bus. Ayon kay PNP-SOSIA Chief PBGen. Gregory Bogñalbal, maglalabas sila ng panibagong direktiba sa lahat ng security agencies sa bansa partikular na ang mga nagde-deploy ng mga… Continue reading Security agencies, papanagutin ng PNP-SOSIA sa kapabayaan sa seguridad sa mga terminal ng bus

Las Piñas LGU, humakot ng parangal mula sa DOH para sa health care programs ng lungsod

Humakot ng maraming parangal ang Las Piñas City mula sa Department of Health – Center for Health Development matapos kilalanin ang pinakamahusay na pagtataguyod ng lungsod sa iba’t ibang programang pangkalusugan. Tumanggap ang lungsod ng mga award para sa kanilang epektibong implementasyon ng Adolescent Health Development Program at ng National Immunization Program na maagap na… Continue reading Las Piñas LGU, humakot ng parangal mula sa DOH para sa health care programs ng lungsod