Senador, aminadong masama ang loob sa pagsusulong ni senadora risa hontiveros na makipagtulungan ang gobyerno sa ICC

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na masama ang loob niya kay Senadora Risa Hontiveros matapos nitong maghain ng resolusyon ngayong araw na naghihikayat sa malakanyang na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Internatiopnal Criminal Court (ICC) tungkol sa naging war on drugs ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ngayong hapon, sinabi ni… Continue reading Senador, aminadong masama ang loob sa pagsusulong ni senadora risa hontiveros na makipagtulungan ang gobyerno sa ICC

Mahigit 7,000 hot meals, naipamahagi ng Philippine Red Cross sa mga apektado ng pagbaha sa Luzon at Visayas

Walang patid ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang apektado ng masamang panahon sa ilang lugar sa Luzon at Visayas. Ayon sa PRC, umabot na sa mahigit 7,000 hot meals ang naipamahagi nito sa Northern Samar hanggang nitong November 27. Nagsagawa rin ng psychosocial support sa mahigit 500 bata at… Continue reading Mahigit 7,000 hot meals, naipamahagi ng Philippine Red Cross sa mga apektado ng pagbaha sa Luzon at Visayas

Umano’y 1.8 billion pesos na gastos ni Speaker Romualdez sa kaniyang mga biyahe, fake news; Kamara, iimbestigahan ang nagpalutang ng isyu

Tinawag na fake news ng Kamara ang pinalutang ng isa sa mga host ng programa sa SMNI na umabot ng P1.8 billion ang gastos ni Speaker Martin Romualdez sa kaniyang mga biyahe. Sa opisyal na pahayag na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco, sinabi nito na walang basehan ang naturang alegasyon. “Recent reports circulating… Continue reading Umano’y 1.8 billion pesos na gastos ni Speaker Romualdez sa kaniyang mga biyahe, fake news; Kamara, iimbestigahan ang nagpalutang ng isyu

SP Zubiri, iginiit na desisyon ni Pangulong Marcos Jr. kung sasaling muli ang Pilipinas sa ICC

Tumangging magkomento si Senate President Juan Miguel Zubiri kaugnay ng resolusyong inihain ni Senadora Risa Hontiveros sa Senado na naghihikayat sa Malacañang na makipagtulungan na sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Zubiri, hindi ang Senado ang magdedesisyon kung sasaling muli o hindi ang Pilipinas… Continue reading SP Zubiri, iginiit na desisyon ni Pangulong Marcos Jr. kung sasaling muli ang Pilipinas sa ICC

P20 kada kilong bigas sa Cebu, pinuri ni Speaker Romualdez

Kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang inisyatiba ng Cebu Provincial Government na i-subsidize ang NFA rice, at maibenta sa mga residente sa halagang P20 kada kilo. Ginawa ito ng House leader sa kaniyang pagdalo sa paglulunsad ng Sugbo Merkadong Barato. “Tunay po na makasaysayan ang araw na ito para sa bansang Pilipinas. Ngayong araw, napatunayan… Continue reading P20 kada kilong bigas sa Cebu, pinuri ni Speaker Romualdez

Mga probinsya sa BARMM, pumayag nang isailalim sa DAR

Aarangkada na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang repormang agraryo. Kasunod ito ng pagpayag ng BARMM na isailalim na ang mga lupain sa agrarian reform program ng pamahalaan. Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan na kanina ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pangunguna ni BARMM Chief Minister Ahod Abraham at… Continue reading Mga probinsya sa BARMM, pumayag nang isailalim sa DAR

Pilipinas, back to square one sakaling magdesisyong bumalik sa ICC ayon kay senador bato dela rosa

Iginiit ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magiging ‘back to square one’ ang Pilipinas sa proseso sakaling magdesisyon tayong bumalik sa International Criminal Court (ICC). Ipinaliwanag ni dela Rosa, na kabilang sa proseso ang pagratipikang muli ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Rome Statute o ang kasunduang magbabalik sa Pilipinas sa ICC. Matapos… Continue reading Pilipinas, back to square one sakaling magdesisyong bumalik sa ICC ayon kay senador bato dela rosa

Sen. Gatchalian, hinimok ang ERC na pabilisin ang rate reset ng Meralco

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na pabilisin ang pag-reset ng power distribution rate ng Manila Electric Corporation (MERALCO). Ang panawagan na ito ng senador ay kasunod ng pahayag ni dating ERC Chairperson Agnes Devanadera sa isang pagdinig ng Kamara, na dati nang nakasanayan ng Meralco na sagutin ang pagpapasweldo sa… Continue reading Sen. Gatchalian, hinimok ang ERC na pabilisin ang rate reset ng Meralco

Matatag na ekonomiya ng Marcos Jr. Administration, ipinagmalaki ni Finance Sec. Diokno sa harap ng 200 top CEO at businessmen sa bansa

Ipinagmalaki ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa harap ng mga Chief Executive Officer (CEO) ang matibay at malakas na ekonomiya ng Marcos Jr. Administration. Sa kanyang pagharap sa BizNewsAsia 22nd Anniversary, sinabi ni Diokno na ang Pilipinas ay nakapagtala ng pinakamataas na paglago sa Southeast Asia ngayong taon, at inaasahang maging sa susunod na taong… Continue reading Matatag na ekonomiya ng Marcos Jr. Administration, ipinagmalaki ni Finance Sec. Diokno sa harap ng 200 top CEO at businessmen sa bansa

Fireman na sangkot sa recruitment-for-fee scam, inaresto ng pulisya – DILG

Binalaan ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga applicant ng Bureau of Fire Protection (BFP) na dumaan sa tamang proseso ng recruitment. Partikular na tinukoy ni Abalos ang pag-iwas sa pakikitungo sa mga manloloko na nangangako ng non-existent jobs kapalit ng kabayaran. Naglabas ng warning ang kalihim kasunod ng pagkaaresto kay… Continue reading Fireman na sangkot sa recruitment-for-fee scam, inaresto ng pulisya – DILG