Batas para bigyan na ng sweldo ang mga opisyal ng barangay, itinutulak ni DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary na imbes na honoraria ay sweldo na ang ibigay sa mga opisyal ng barangay.

Sa isang pulong balitaan sinabi ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. na pinapaaral na niya ngayon kung magkano ba ang maaaring itakdang minimum at maximum na halaga ng sweldo ng barangay officials, at kung maaari ay maisama na rin pati ang mga tanod.

Panawagan nito sa mga mambabatas, ikonsidera ang pagkakaroon ng lehislasyon para maisakatuparan ito.

Punto ng kalihim, 24-oras ang trabaho ng Kapitan ng barangay kaya marapat na mabigyan na sila ng sweldo.

Aminado naman si Sec. Abalos, na kailangan itong aralin mabuti at isaalang-alang ang pondo ng mga barangay. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us